Ramon Bautista tsinugi agad sa Kris TV; ‘PANIS’ daw ang style sa comedy

kris aquino

Ngayong Hulyo na magsisimula si Quezon City Mayor Herbert Bautista bilang co-host ni Kris Aquino sa kanyang morning show sa ABS-CBN, kasabay ng ikaapat na taong selebrasyon ng programa.

Bale ikalawang Bautista na si Bistek na naging guest co-host ni Kris dahil nauna na nga si Ramon Bautista na hindi naman nagtagal dahil hindi nag-click sa manonood at higit sa lahat, hindi masakyan ng masa ang klase ng humor niya. Kaya panis agad si Ramon sa Kris TV at si Herbert ang kapalit.

Para sa amin ay parang mas magandang panoorin naman si Bistek bilang co-host ni Kris dahil marami silang mapag-uusapan at nakatitiyak kami na ibabalik na naman nila ang nakaraan sa buhay nila.

Or baka nga mas marami pang malaman ang viewers tungkol sa naging relasyon nila dahil kilala n’yo naman si Kris – baka sa sobrang tuwa ng Queen of All Media ay madulas ito at masabi sa ere ang mga sikreto nila ni Bistek.

Kaya tiyak na maraming mag-aabang sa tambalang Bistek at Tetay sa telebisyon.Bukod dito, naisip din si-guro ng ABS-CBN at Star Ci-nema na maagang promo ang pagsasama ng dalawa sa Kris TV para sa Metro Manila Film Festival entry nilang “Mr. & Mrs. Split”.

Read more...