Juday saksi sa nawasak na relasyon nina Sarah at Rayver

sarah geronimo

As expected, Sarah Geronimo was asked about her breakup playlist sa presscon ng movien nila ni Piolo Pascual na “The Breakup Playlist”.

Before she answered, Sarah explained na ang breakup playlist at “Yung pag-aalaga mo sa emotions mo, na bawat emosyon ay kailangan mong pagdaanan or else mababaliw ka. Ano ka, robot? Kailangan mong pagdaanan ‘yon.”

Ni-recall niya ang past breakup niya sa kanyang boyfriend whom she did not name pero alam naman ng marami na si Rayver Cruz ang tinutukoy niya.

“Naalala ko po nu’ng ako ay nasasaktan, magkasama po kami ni Ate Juday (Judy Ann Santos) sa ‘Hating Ka-patid,’ gumagawa kami ng pelikula.

“Basta ‘yun. May music po, nakalimutan ko na ‘yung music, basta heartbreak song siya. Nilakasan namin ‘yung tugtog. Kumakanta kami (ni Ate Juday), umiiyak ako, ganyan…” kuwento niya.

Ayon sa singer-actress isa iyong “part ng healing process” na kailangan niyang pagdaanan. “Yung alagaan mo ‘yung sakit until mawala.”

Nakaka-relate si Sarah sa kanyang character sa “The Breakup Playlist” dahil, “Pareho ‘yung passion namin sa music, saka pagmamahal sa pamilya.”

“Para kasing young adult siya so ‘yung pinagdadaanan ng isang adult ay nata-tackle sa pelikulang ito. Siyempre, sa ganitong edad ay hinihingan na tayo ng mundo, we musicians, para sumagot sa mga sarili natin but still i-honor pa rin ang mga magulang natin.”

Nabanggit niya ang medyo pagkakapareho ng movie niya sa Hollywood movie na “Begin Again” starring Keira Knightley, Mark Ruffalo and Adam Levine.

“Ang kuwento niya pareho silang…‘yung boyfriend niya ay sikat na rock star. Pareho kami dito, na magkatrabaho kami (ni Piolo). Pareho kaming sumikat, magkasama kami sa success na ‘yon, pareho naming mahal ang music.

“Ang magiging conflict is ‘yung pangarap din namin. Sabi nga doon sa kantang ‘Paano Ba Ang Magmahal’, ‘di ba ang love, eh, supposedly ay nagmamahal ka lang, wala kang hinihintay na kapalit. Easy lang kasi nagmamahal ka lang.

“Sabi nga ni PJ (sa movie), human beings muna tayo bago tayo naging musicians, bago tayo may mga pangarap sa buhay. Umiral ang personal issues na nag-lead doon sa (separation).

“Kailangan ayusin muna ang issues ng bawat isa bago magkita uli at mahalin uli ang isa’t isa para mas matibay na sila. Hindi na music ang nag-bind sa kanila, ‘yung pagmamahal na talaga, pure love na, hindi ‘yung success,” she added.

Read more...