Kapag hindi nag-ingat: Julia baka mabuntis ni James Reid

jukia barretto

KALAT na kalat na ang chikang nagkakamabutihan sina Papa James Reid at Julia Barretto. Balitang may nakakita sa kanilang nagha-hug at nag-long kiss sa isang resto.

Hindi pa namin confirmed ang kwentong ito pero siyempre na-excite kami, ‘no! Ha-hahaha! Hot na hot kasi si Papa James para sa amin – siya ang pinaka-crush ng bayan namin kaya.

And well, kung totoo ang chikang nag-long kiss sila ni Julia Barretto, inggit much ang mga baklita. Hanggang ilus-yon na lang kami kung gayon. Kaloka! Ha-hahaha!

“Totoo iyon. Actually, matagal na silang nagku-communicate ni Julia. Mula noong ‘Hopeless Romantic’ days pa, di ba’t magkasama sila sa movie na iyon? Si James with Nadine Lustre and Julia naman was paired with Inigo Pascual.

Mula noon ay panay na ang palitan nila ng text. Niligawan ni James si Julia. “Baka sila na nga. Kasi hindi naman papayagan makipag-hug at makipaghalikan si Julia sa kanya kung wala silang relas-yon.

Pag sinabi bang long kiss, laplapan ba iyon?” tanong ng nagkukunyaring inosenteng friend namin. I don’t know what laplapan means. Charozzzzz! Ha-hahaha! Puwedeng laplapan or puwede ring romantic kiss lang ng magdyowa, yung sweet kiss na relax-relax lang ang dating.

Yung punumpuno ng emosyon. Di ko alam kung paano yung kina Julia and Papa James. Basta it’s a kiss. Period. Whether long or short kiss, it’s a kiss.

“Naku, kay lantod namang bata niyang si Julia. Nakipaghalikan with a guy sa public eh, kay bata-bata pa niya. Puwede naman silang mag-kiss in private pero bakit kailangang sa harap ng madlang people.

Dapat nagtago sila at doon nagdyundian. Kainitan pa naman ni James ngayon – init in terms of popularity and init in terms of desire,” talak ng isa naman na-ming kaibigan.

“Very Barretto, di ba?” sabi naman ng isa.  Hoy, wala namang gene-ralization. Hindi naman lahat ng Barrettos ay ganyan. Sino ba sa mga Barretto ang ganyan? Parang wala naman, di ba? Si Gretchen is…wait. Si Claudine is  medyo conservative naman in a way.

Ang mommy niyang si Marjorie ay…wait nga! Huwag kayong magulo. Nag-iisip ako kung kanino kaya nagmana si Julia.
Pero naman, she’s of age na para magka-BF.

She’s 18 years old na and puwede na talagang magpaligaw for as long as she knows her limitations. Kung totoong nakita siyang nakipag-long kiss (laplapan man o hindi) with Papa James, aalamin muna natin.

Iyon ay kung may umamin sa kanilang dalawa. Ang wish ko lang, sana ay makuha ni Julia na mag-control kasi she’s too young to get into something serious.

Kasi pag meron nang torrid kissing-kissing, malapit na sa disgrasya iyan. Doon ako worried. Kaya palagi akong sinasabihan ng mommy ko dati na huwag basta-basta makipag-torrid kissing with a man at baka madisgrasya raw ako.

Ha-hahaha! Baka masapak daw ako o masaksak. Ha-hahaha! Ibang disgrasya pala ang ibig niyang sabihin. Natural. Hindi naman ako puwedeng mabuntis, di ba? Kaloka!

Kidding aside, huwag sanang magmadali si Julia sa larangan ng pag-ibig. Mag-concentrate muna siya sa kaniyang struggling showbiz career now.

Sayang kasi ang batang ito, napakaganda at okay na sana ang pagsisimula sa showbiz pero lately ay mukhang naging matumal ang projects niya. Marami kasing negang balita na luma-labas about her.

Basta paalala lang ulit sa kaniya, okay na yung kiss-kiss, huwag munang tumalon into something deeper and more special – you know what I mean. Kay Papa James ay hindi kami masyadong worried kasi lalaki iyan.

Naturalesa ng lalaki ang papatong pag may nagpapapatong (figure of speech lang ito ha sabay pagpapaalala lang). Kaya dapat ang mas maingat dito ay ang girls. Okay lang yung pa-cute na magdyowa –huwag lang muna serious, OK?

 

Read more...