Pinarangalan ang TV host-comedian na si Vice Ganda bilang isa sa 10 Outstanding Manilans kasabay ng selebras-yon ng 444th anniversary ng Maynila.
Kinilala ng local government ng Manila si Vice “for his exemplary contribution to the City of Manila.” Sa mga hindi nakakaalam, nagmula sa Tondo, Manila si Vice at nag-aral ng Political Science sa Far Eastern University.
Nagtrabaho rin noon si Vice sa mga comedy bar sa Ermita. Ayon sa mga opisyal ng Maynila, karapat-dapat lang na parangalan ang komedyante dahil sa mga nai-contribute nito sa Manila.
Ang iba pang nakasama sa 10 Outstanding Manilans ay sina William Teng, chairman Solar Entertainment; Robert Jaworski, former senator and professional basketball player; Eufrocina Sulla, Senior Deputy City Prosecutor; Carmelita Salandanan Manahan, Associate Justice of the Court of Appeals; Vincent Maniquiz Tañada, playwright, actor, director, producer; Mercedes Pascual, vendor sa Arranque Market; Lorenzo Alconera, city electrician; Edgar Maranan, biotechnologist; at Robert So, environmentalist.