Ai Ai type na type sina Dennis, Tom at Dingdong

aiai delas alas

WISH ni Ai Ai delas Alas na lalong sumikat ang tandem nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia. Magkakasama ang tatlo sa primetime series ng GMA 7 na Let the Love Begin.

“Ang wish ko sa kanila na dumating yung panahon na sikat na sikat na sila. At pag dumating ang panahon ng kanilang pagsikat, always be humble and thankful.

The more na sumikat sila, the more na maging humble pa sila and magpasalamat sa lahat ng meron sila,” pahayag ni Ai Ai nang makausap naming kamakailan sa taping ng Let The Love Begin.

Ibinuking din nito na super close ang dalawa off cam kaya naman lutang na lutang ang chemistry ng magka-loveteam tuwing may eksena sina Erick (Ruru) at Pia (Gabbi) sa kanilang GMA Telebabad series.

Pinuri rin ng Philippine Comedy Queen sina Ruru at Gabbi na parang mga tunay na anak na niya kung ituring, “Si Ruru napakahusay na bata at malayo ang mararating nya sa showbiz. Si Gabbi ganun din at napakagandang bata.”

Aliw din si Ai Ai tuwing kaeksena si Gladys Reyes as Katy na isa sa kanyang mga kontrabida sa serye, “Grabe super friend ko yan. Super chika kami niyan. Character yan! Super nakakatawa. Dami naming kwentuhan. “

Samantala, blessed at contented si AiAi sa dami ng biyayang dumarating sa kanyang buhay. Sobrang happy siya sa pagiging isang Kapuso at bukod sa Let The Love Begin, may mga naka-line up pa siyang iba pang TV shows na pagkakaabalahan ngayong taon, may ilo-launch ding magazine ngayong Hulyo at ipo-produce na fund-raising concert sa Setyembre upang makapagtayo ng simbahan para naman daw “may maiwan siyang legacy sa kanyang buhay.”

At sa mga Kapuso stars, dream niya na makatrabaho sina Dennis Trillo, Tom Rodriguez at Dingdong Dantes. Samantala, patuloy pa ring tutukan ang mga nakakaaliw, nakaka-in love at nakaka-inspire na mga eksena sa seryeng Let The Love Begin after Pari ‘Koy.

Read more...