Grace Poe nanguna rin sa VP survey- SWS

grace poe
Sa pagkapangulo man o pagka-bise presidente, si Sen. Grace Poe ang nangunguna batay sa survey ng Social Weather Stations.
Sa survey noong Hunyo 5-8, nakakuha si Poe ng 21 porsyento sa tanong kung sino ang iboboto ng mga respondents sa pagkabise-presidente.
Mas mababa ito sa 26 porsyento na nakuha ni Poe sa survey noong Marso 20-23.
Si Poe ay nanguna rin sa naturang survey ng SWS sa pagkapangulo.
Pumangalawa naman si Interior and Local Government Mar Roxas na hindi nagbago ang nakuha na 12 porsyento.
Pangatlo naman si Sen. Francis Escudero na nakakuha ng pitong porsyento, mas mataas ng isang porsyento sa naunang survey.
Sumunod naman si Vice President Jejomar Binay na nakakuha ng 7 porsyento, Manila Mayor Joseph Estrada na ay tatlong porsyento, Davao City Mayor Rodrigo Duterte na may tatlong porsyento, dating Sen. Panfilo Lacson (3 porsyento), Sen. Miriam Defensor Santiago (2), Sen. Alan Peter Cayetano (2), Sen. Loren Legarda (1.4) Sen. Antonio Trillanes (1.1), Batangas Gov. Vilma Santos (1), Sen. Ferdinand Bongbong Marcos Jr., (1), Manila Vice Mayor Isko Moreno (0.7), Sen. Ramon Bong Revill Jr., (0.7), at Sarangani Rep. Manny Pacquiao (0.5).
Walang ibinigay ang walong porsyento at 22 porsyento ang tumanggi na magbigay ng kanilang iboboto.
Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,200 respondents sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
30

Read more...