Maxene umaming type maging boyfriend si Edgar Allan

maxene magalona

Tapos na ang Your Face Sounds Familiar pero mukhang mapupunta sa totohanan ang love team nina Maxene Magalona and Edgar Allan Guzman.

Napilit ni Vice Ganda na sumagot si Maxene sa tanong niya kung bet niya si Edgar Allan. Initially, Maxene said na mabait si Edgar Allan, mabait at magaling sumayaw. Pero later, she admitted na bet nga niya ito.

Describing him as family oriented, very respectful and hardworking,” obvious nga na bet na bet ni Maxene ang dyowa ni Shaira Mae. Naku, hindi kaya magselos nang todo-todo itong si Shaira Mae now that Maxene admitted na type niya si Edgar Allan?

Anyway, meron namang Neumann Something itong si Shaira Mae so bakit naman siya magseselos? Actually, matagal nang tinutukso sina Maxene at Edgar Allan sa set ng Your Face Sounds Familiar pero ngayon lang umamin ang una na type nga niya ang huli.

Ang tanong, tuluyan na kayang mawasak ang relasyon nina Edgar Allan at Shaira Mae nang dahil sa pag-eksena n Maxene? Feeling kasi namin, based sa napapanood namin, type na type rin ni EA maging dyowa si Maxene.

Read more...