NAGBANTA si Vice Ganda na babawiin niya ang kanyang investment sa controversial party place na Valkyrie.
“The ‘No Crossdressing Policy’ in any establishment is so THIRD WORLD. If Valkyrie implements this crap i will pull out my very small share,” tweet niya.
“To all members of the LGBT community: I AM ONE OF YOU AND I AM ONE WITH YOU,” dagdag pa ng stand-up comedian.
Aware siguro si Vice sa bagong kontrobersiya na kinasangkutan ng Valkyrie matapos diumanong hindi papasukin ang fashion designer na si Veejay Floresca not once but twice.
Siyempre pa, kilala si Vice na isa sa owners ng Valkyrie, the other three being Tim Yap, JM Rodriguez and Neil Arce. Kilala si Vice bilang big supporter ng LGBT community kaya naman tiyak na marami ang natuwa sa move niyang bawiin ang kanyang investment kapag nagpatuloy ang “no crossdressing” policy sa nasabing club.
Sa isang social media conversation as posted by a popular website, itinanggi ni JM na meron silang no crossdressing policy. Ang feeling nga niya ay na-betray siya dahil lumabas sa social media ang issue.
Isa sa mga nakisawsaw sa Valkyrie brouhaha ay itong Pambansang Sawsawero na si Mo Twister. Aware of the issue, Mo tweeted, “Wanna get back at Valkyrie? Use my sabotage plan.
Raise P100k. Give to 1000 jejemons to spend there. Have em Instagram nonstop = club ruined.” At hindi pa diyan nagtatapos ang pagsawsaw niya sa issue, sinabi pa niyang, “People that take part in the #YulinDogMeatFestival are same ones that go to Valkyrie. Yeah, so what. That didn’t make sense. Fuc*** You.”
‘Yan and sunud-sunod na tweet ng bansuting TV and radio host.