Isan
Ikalawa at huling bahagi
NAILATHALA dito sa Bandera nitong Miyerkules ang unang bahagi ng panayam kay dating POC president Cristy Ramos.
Ayon sa kanya, hindi magiging madali para sa Pilipinas na maibalik ang dating kinang nito sa mundo ng palakasan.
Pero kung nais ng mga kasalukuyang sports leaders ng bansa na palakasin ang palakasan sa bansa ay dapat baguhin muna ang pananaw at pagtanggap ng bawat Pilipino sa sports.
“Kailangang maisapuso at maisaisip muna ng mga Pilipino ang sports,” sabi ni Cristy.
“Ang nangyayari kasi, kahit ang mga sports leaders natin ay walang pakialam, hindi priority ang sports kaya sa tingin ng mga Pilipino ‘OK lang na matalo sa Olympics, sa Southeast Asian Games’ dahil nga ‘sports lang yan!’”Hinimok din niya ang mga kasalukuyang leaders na magbigay daan sa pagbabago at hayaang makapaglingkod ang bagong henerasyon.
“Our sports leaders have been here for what? a very long time,” aniya.
“Obviously, their leadership is no longer working.”
Inihalimbawa ni Ramos ang chairman ng British Olympic Association na si Colin Moynihan.
“Let me tell you something. Colin Moynihan, the chairman of the British Olympic Association.
He is stepping down after a very successful Olympics,” aniya.
“It’s like him saying “I have done my share, I did well, and I am giving other people the opportunity to do the job.’”
Kinumpara rin ni Ramos ang sitwasyon ng Philippine sports ngayon sa sitwasyon noong 1997 nang siya pa ang pangulo ng POC.
“When we dropped to fourth place and won only 43 gold medals, the sports leaders and the media prosecuted me,” sabi ni Ramos.
“In the last SEA Games, we dropped to sixth place and won 36 golds and these leaders are saying ‘it’s alright’.”
Nais ni Ramos na magkaroon ng pananagutan sa Philippine sports. Nais din niyang maisakatuparan sa sports ang adhikain ni Pangulong Noynoy Aquino na “Matuwid na daan.”
“The POC and PSC must translate the vision of President Noynoy into sports.
Matuwid na daan means following rules, no cheating at walang padri-padrino.
Have the POC and PSC followed these? Has Uncle Peping followed these? The answer is a big fat no.”
Isa rin sa nais baguhin ni Ramos ay ang nakaugaliang pagtalaga ng mga “politician” bilang mga pinuno ng mga national sports associations.
“You have people occupying top posts in sports who have no background in sports at all,” sabi niya.
“These make it hard for sports to be in the consciousness of the Filipino people.
Sports remain in the background because our leaders themselves are not into sports.”
Banat pa ni Ramos, “hindi porke may puwesto o may pera ang isang politiko ay gagawin mo na siyang lider ng iyong asosasyon.
People running the NSAs must have the right qualifications.”
Ayon kay Ramos, hindi naman parang isang “bagyo” ang mga naglalakihang torneong sinasalihan ng bansa na basta-basta na lamang dumarating.
“We know that next year is SEA Games year.
We know that the year after that is Asian Games year and we know that in 2015 it’s SEA Games again and in 2016 it’s Olympics in Brazil and so on,” sabi ni Ramos.
“Nakalatag na ang kalendaryo sa sports kaya walang dahilan para hindi natin mapaghandaan ang mga ito, di ba?”
Noong panahon ni Ramos sa POC ay itinutulak niya ang “Sports For All” program at ang “maximum participation” ng bansa lalung-lalo na sa SEA Games.
“The SEA Games is the lowest international competition that we can compete,” sabi niya.
“If we cannot send a national team to the SEA Games, what’s the point of forming a national team?”
At dahil napag-usapan ang pagbuo ng mga national team, naikuwento ni Ramos sila ang bumuo ng kauna-unahang women’s football team ng bansa na lumahok sa SEA Games noong 1985.
Panahon pa iyon ni Michael Keon ng Gintong Alay.
Hindi rin naitago ni Ramos ang kanyang pagkabanas sa kasalukuyang “monicker” ng Philippine women’s football team.
“Malditas?” aniya. “Come on, it’s degrading to women, they can do better than this.
It breaks my heart.” At ang Azkals?
Napabugtong-hininga ang anak ni dating Pangulong Fidel V. Ramos bago ibinuhos ang kanyang saloobin tungkol sa Philippine Azkals men’s football team.
Matatandaang noong Marso 2012 ay inireklamo niya ng “sexual harrassment” ang dalawang miyembro ng Azkals na sina Lexton Moy at Angel Guirado na pawang mga Fil-foreigners.
Nilinaw ni Ramos na hindi siya naghain ng reklamo sa korte kundi sa Philippine Football Federation (PFF) lamang.
Ayon kay Ramos, hanggang ngayon ay wala pa ring inilalabas na desisyon ang PFF Disciplinary Committee na siyang inatasan na magsagawa ng imbestigasyon.
“Being the person that I am, I will always fight for what is right. But I will follow the proper procedure and process.
I just have to trust the system,” aniya.
“I don’t think they have a time frame for the investigation and I don’t think it is a priority for the PFF at this point.”
Nangyari ang naturang insidente bago magsimula ang Asian Football Confederation (AFC) friendly match sa pagitan ng Pilipinas at Malaysia na ginanap sa Rizal Memorial Football Field sa Malate, Maynila.
At ano naman ang masasabi niya sa patuloy na pagkuha ng bansa ng mga Fil-foreigners para maglaro sa pambansang koponan.
“Well, it’s not illegal,” aniya. “Nasa batas kasi natin ‘yan e.
They are considered Filipino citizens and can play for the national team.”
Sabi pa ni Ramos na kung naglalaro para sa bansa ang mga Fil-foreigners na ito ay kailangan nilang isapuso at isaisip din ang pagiging isang Pilipino.
“They are Filipino citizens, yes. But Filipinos? I don’t know.” — Eric Dimzon