Sulat mula kay Maricar San Pedro, Puerto Princesa City, Palawan
Dear Sir Greenfield,
Seaman po ang mister ko at three years na siyang nagpapabalik-balik sa barko pero hanggang ngayon nangungupahan pa rin kami at walang sariling lupa at bahay. Hindi kasi kami makaipon dahil anim ang anak namin na lahat ay nag-aaral. Gusto kong makahingi ng tips sa inyo, suwerteng numero at kung paano namin mapapaunlad ang buhay namin at kung kailan kami magkakaroon ng sariling lupa at bahay? August 28, 1978 ang birthday ko.
Umaasa,
Maricar Puerto Princesa City, Palawan
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, kung dalawa kayo ni mister na maga-abroad ay walang imposible at matutupad n’yo ang pangarap n’yong sariling lupa at bahay.
Cartomancy:
Jack of Hearts, Queen of Diamonds at Ten of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kung magsisimula kang mag-apply sa abroad ngayong taong hanggang 2017 ay may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran. Sa pagtutulungan ninyong mag-asawa para makaipon ng pambili ng lupa at pagpapagawa ng bahay, tiyak ang magaganap, sa taong 2018, sa edad mong 40 pataas, unti-unti nang matutupad ang pangarap n’yong sariling lupa at bahay.
Itutuloy
Kailan magkaka-house and lot
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...