Suicidal si ex-BF | Bandera

Suicidal si ex-BF

Pher Mendoza - June 24, 2015 - 03:00 AM

Dear Manang Pher,

Ako po si Daisy. Pa-ngalawang beses ko na pong humingi ng advice sa inyo.

Ngayon po kasi ay meron akong boyfriend na sobrang seloso. May ka-textmate po ako na naging friend ko sa Boracay. Mabait siya at siya lang ang nakakaintindi sa akin. Siya lang din ang nagpapasaya sa akin kapag inaaway ako ng BF kong seloso.

Ngayon po ay nahulog na ang loob ko sa kanya. Itong ka-textmate ko ang love ko na ngayon. Wala na akong feelings sa BF ko.

Pero hindi siya pumayag, ayaw daw niyang mawala ako sa kanya. Nagtangka po siyang magpakamatay. Pero nasasakal na po ako sa ugali niya. Ano ba ang dapat kong gawin?

Daisy
Daisy, salamat sa pagsubaybay sa column na ito. Nakakatuwa naman at dumarami na ang ka-tropang bumabasa nito.
To answer your problem, tama lang na hiniwalayan mo ang BF mo dahil wala na rin namang point kung wala ka ng feelings para sa kanya at sabi mo nga ay nasasakal ka na sa ugali n’ya.
I couldn’t think of any more reasons not to break up with him. Tama ka sa desisyon mong iyan.
Maybe ask help from your BF’s family and friends and tell them about your situation.
Kung may suicidal tendencies ang ex mo, then I think those who care about him should know.
You are not responsible for his actions. Kung gusto n’yang saktan ang kanyang sarili, ito ay sign ng psychological problem, hormonal imbalance o family history.
Hindi ka dapat ma-guilty o makipagbalikan sa kanya dahil lamang naaawa o natatakot ka sa gagawin n’ya sa kanyang sarili.
Be firm with your decision and again, ask those who care about him na alalayan siya but never go back to what seems to be a sign of an abusive relationship.

vvv
Payo ng tropa

Makipag-eyeball ka muna sa ka-textmate mo at kailangan spend time together. Pakiramdaman mo kung totoo ang nararamdaman mo. Hindi mo alam baka rapist o killer ‘yan.
Mabuti yung magka-kilanlan muna kayo.
Gumamela Sampaguita via Facebook
Dear Daisy,
Ang tanong ko lang ay baka naman nabubulag ka lang ngayon sa iyong ka-textmate? Siyempre, bagong kakilala, bagong kilig kaya feeling mo wala ka na talagang nararamdaman para sa iyong BF ngayon.
Pinag-isipan mo bang mabuti ang iyong desis-yon na hiwalayan siya? Baka kasi nadala ka lang sa “kilig” na ibinibigay sa iyo ng ka-textmate kaya ura-urada kinalasan mo ang iyong BF at hinanapan mo siya ng dahilan para tuluyan kayong mag-break.
I just hope na hindi mo pagsisihan ang desisyon mo.
Maricar via
Facebook
vvv
May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com or [email protected] o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending