Magandang araw po sa inyo, Ma’am Liza Soriano.
Ako po si Alejandro I. Orcullo na may SSS number …95-8.
Ako po ay dating company guard sa “Manuela Corporation”. Ako po ay may salary loan na P3,000 noong taong 1988 pero mula noong ako ay nag-resign noong 1999 ay hindi ito kinaltas ng mga naging employer ko. Ngayong nandito na ako sa matinong security agency (GAS), nagulat ako dahil kinakaltasan nila ako mula pa noong 2013 ng P1,954.09 bawat sahod hanggang ngayong 2015.
Ang tanong ko lang po kung pwede ba akong mabigyan ng “amnestisya” ng SSS sa pagkakautang ko na napabayaan na at umabot na pala ng P50,000. Ang utang ko lang naman ay P3,000 noon. Sana po ay maawa sila sa akin dahil parang hinihiwa ng “blade” ang puso ko bawat kaltas nila sa sahod ko bawat akinse at katapusan ng buwan.
Lubos na
gumagalang,
ALEJANDRO I.
ORCILLO,CSI
Reply:Ito ay bilang tugon sa katanungan ni Ginoong Alejandro I. Orcullo tungkol sa kanyang salary at calamity loan balance at kung may amnestiya ba ang SSS para sa mga ito sa ngayon.
Para sa kaalaman ni G. Orcullo, siya ay may salary at calamity loans noong 1999 na hindi kaagad nabayaran. Ang mga ito po ay pinatawan ng one (1) percent na penalty kada buwan at 10 per cent bilang interest kada taon ng hindi pagbabayad.
Base po sa aming records, bayad na po ang kanyang salary loan na umabot ng mahigit sa P50,000 noong Agosto 17, 2014 at ang mahigit na P43,000 na calamity loan noong Hunyo 26, 2014. Ang Catina Security Inc po ang nag-remit ng mga kabayarang ito sa SSS.
Iminumungkahi namin na kausapin ni G. Orcullo ng kanyang kasalukuyang agency at linawin kung para saan ang patuloy nilang pagkakaltas ng P1,954.09 sa kanyang buwanang suweldo.
Wala rin pong amnestiya o loan penalty condonation ang SSS sa kasalukuyan. Ang pagpapatupad po ng condonation program ay nangangailangan po ng approval mula sa Pangulo ng Pilipinas. Ngunit sa oras na pagtibayin ito ng ating Pangulo na magkaroon ng amnestiya sa mga utang ng miyembro ng SSS, ito po ay agad na-ming inaanunsiyo para sa mga miyembrong maki-kinabang dito.
Sana po ay nabigyan namin ng linaw ang bagay na ito. Salamat po sa in-yong patuloy na pagtitiwala.
Sumasainyo,
May Rose DL
Francisco
Social Security
Officer IV
SSS Media Affairs Department
9247295/9206401 loc 5053
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.