P9M Mega Lotto jackpot pinaghatian ng taga-Bacolod, Bulacan

Mega Lotto 6/45


Maghahati sa P9 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 ang tumaya sa Bacolod City at Bulacan.
Dalawa ang tumaya sa mga lumabas na numerong 23-19-01-43-12-7 sa bola noong Lunes ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.
Sila ay tumaya sa Brgy. Poblacion sa Bacolod at ang isa sa bayan ng Marilao sa Bulacan.
Nanalo naman ng tig-P21,180 ang 39 mananaya na nakakuha ng limang numero at tig-P370 ang napanalunan ng 1,766 mananaya na naka-apat na numero. Balik-taya (P20) naman ang 24,625 mananaya na nakatatlong numero.

Read more...