Marian: Ayaw namin ni Dong ng birth control, gusto ko maraming anak!

dingdong dantes

Kung si Marian Rivera ang masusunod, gusto niyang magkaroon ng maraming anak – kaya nga hindi raw sila gumagamit ni Dingdong Dantes ng birth control.

“Ayoko ng birth control, gusto ko nga basketball team kami, e! Gusto ko madami. Sabi nga ng asawa ko, ‘Pagkatapos mong manganak, pahinga ka muna, tapos tsaka uli tayo mag-baby.’ Sabi ko, ‘Hindi. Kung bigyan tayo ng Panginoon uli, e, di why not?

“E, di sunud-sunod pa every year. Kaya naman. Pangarap ko ‘yan na maraming anak dahil solong anak ako. Kaya gusto ko, mas marami, mas masaya,” ang pahayag ni Marian sa isang TV interview.

Alam na raw nina Marian at Dingdong kung ano ang gender ng magiging baby nila, pero nakiusap ang GMA Primetime Queen na ibalato muna sa kanila ang ilang detalye ng kanyang pagbubuntis. Limang buwan na ang baby sa sinapupunan ni Marian.

Sey pa ni Marian sa interview ng GMA, “Alam na namin, pero sabi ko nga, hindi naman kami naging madamot sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa amin…kasi gusto kong namnamin yung pagkakataon na sa akin na lang ‘yon. Ise-share naman namin ‘yan. Kami pa!”

Nagbigay naman ng clue si Marian tungkol sa gender ng baby nila ni Dingdong, “Yun talaga ang gusto ni Dong. Yun talaga ang gusto niya.”

Kung hindi kami nagkakamali, sa isang panayam ng entertainment press kay Dingdong, nasabi nito na type niyang magkaroon ng “Little Marian” bilang first baby nila ng asawa.

Read more...