Anyway, sa pagpapatuloy ng Let The Love Begin sa GMA Telebabad kung saan bidang-bida rin ang very promising tandem nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia, narito ang mga susunod na eksena: Maglalakas loob si Jeni at makikikipagbuno ito sa henchman hanggang sa maitapon nito ang baril na agad makukuha ng guard.
Agad haharurot paalis ng lugar ang henchman. Nang magpakilala ang tinulungan, dito maiisip ni Jeni na totoo nga ang sinasabi ni Erick, na buhay nga ang mommy ni Pia!
Ikukuwento naman ni Sophie ang nangyari sa kanya, ang dahilan ng 15 taon niyang pagkakalayo sa pamilya at ang pagaakala ng mga ito na patay na siya.
Hihingi ng tulong si Sophie kay Jeni para makita si Pia. Maiisip naman ni Jeni na baka magkasama sina Pia and Erick. Ang bruhang si Katy, agad namang itatawag kay Celeste na magkasama si Jeni at ang unang asawa ni Tony.
Lalapit pa sa pulis sina Pia at Erick para makakuha ng impormasyon sa babaeng kasama ni Tony sa gabi ng aksidente nito pero hindi sila matutulungan ng mga ito.
Nang makauwi ng bahay si Pia, malalaman niya na lilipat na sila ng bahay. Paguwi naman ni Erick, madadatnan niya na kasama na ni Jeni ang mommy ni Pia.
Magpapasalamat naman si Sophie sa pagiging mabuting kaibigan ni Erick sa kanyang anak. Pero teka, sigurado kaming maraming fans ang nagtatanong kung may “something” na sa tunay na buhay sina Ruru at Gabbi.
Inamin nilang mas lumalim pa ang friendship nila, at hanggang du’n lang daw muna sila. Pero kung si Ai Ai ang tatanungin na laging nakakakita sa kanila sa likod ng camera, mukhang may namamagitan na ngang something espesyal sa dalawang bagets.
“Makikita mo kasi sa body language, di ba? So, feeling ko, ano, may something na,” pambubuking ni Ms. Ai Ai.