SOBRANG appreciated namin ang generosity ni Asia’s Songbird Regine Velasquez sa anak-anakan nating si Michael Pangilinan last week sa kaniyang Regine Series for PLDT Home.
Ganito kasi iyon – may 5-leg mall tour si Ms. Regine para sa nasabing product campaign at ang unang show nito ay ginanap sa Robinson’s Magnolia last June 15. Guests ni Ms. Regine ang tatlong impersonators niyang sina Regina Otik, Ate Redj and Anton Diva plus Michael. It was hosted by Joel O and Pam.
Nagpa-games muna sina Joel O and Pam bago sinimulan ang event and after that isa-isang kumanta nang live ang tatlong impersonator ni Regine.
Right after the three ay si Michael Pangilinan na ang sumalang and he sang three spot numbers bago tawagin si Ms. Regine on a live band accompaniment. Ganda ng show na iyon. Punumpuno ng Regine fanatics. Galing pa rin ng Songbird!
Last week naman ay tinext ako ni Ms. Aleli Bustamante requesting us na baka puwedeng doon na raw sa mismong portion ni Ms. Regine ipasok si Michael sa next mall show nila (Robinson’s Ermita, June 20) dahil bilib na bilib daw ang Songbird sa boses ni Michael.
Naglambing pa si Ms. Regine ng duet at tutugtugan na rin daw ng band niya si Michael for his spot numbers. Tamang-tama rin daw iyon para may rest naman si Ms. Regine. Mini-concert kasi talaga ang nangyari.
Meron silang tinext sa aking particular song for their duet but since di kakayanin ng sked ni Michael na makapag-rehearse with Ms. Regine, nakiusap si bagets na baka puwedeng “Bakit Ngayon Ka Lang” na lang ang kantahin nila kasi narinig na ni bagets na kinakanta nina Regine and husband Ogie Alcasid ito at baka puwedeng melody lang ang kantahin ni Michael dahil hindi naman ito sanay na mag-second voice. Maniwala ba kayong pumayag si Ms. Regine sa request ni Michael?
Napakabait ni Ms. Regine to agree on that simple request. Ganoon siya ka-open sa kabaitan kahit baguhan lang ang alaga ko. Lalo kaming nalula dahil si Ms. Regine Velasquez mismo ang nag-introduce kay Michael sa stage as her special guest. “Friends, he’s one of the best young singers of today and guwapo pa, nakasama ko na rin siya sa Malaysia for PLDT.
Let’s put our hands together for Michael Pangilinan!!!” Nangilabot ako sa tuwa habang lumalabas si Michael. Hindi alam ni Regine na abot-langit ang nerbiyos ni Michael kasi first time niya itong makaka-duet without rehearsals pa.
And what a girl in Regine, grabe ang pag-alalay na ginawa niya kay Michael habang kumakanta sila. Gosh! She did the second voice at inaakbayan pa niya si Michael at times – yung pinaramdam niya sa bata ang support niya na parang nakababatang kapatid. Kaya hayun, talagang pinalakpakan sila.
“Hindi lang po alam ni Ate Regine kung gaano ako kanerbiyos. Siyempre, Asia’s Songbird iyon, sharing the stage with her was such a very remarkable experience for me.
Salamat kay Lord at hindi ako nagkalat. Thank you so much Ate Regine and Tita Aleli for giving me a chance na maka-share sa stage ang one and only Asia’s Songbird!” pagmamalaki ni Michael sa amin.
Biglang nag-flashback sa akin ang nangyari kay Michael two years back, nu’ng mag-produce si kaibigang Julie Bonifacio ng Valentine show ni Angeline Quinto sa SM MOA Arena.
Dahil sobrang mahal ni Julie si Michael na parang anak-anakan na rin niya at dahil bilib siya sa bagets as a singer-performer, naglambing siyang baka puwedeng mag-duet sina Angeline at Michael.
Alam niyo bang agad na tinanggihan iyon ni Angeline and her camp and since committed na si Julie sa amin, hayun ang bata at pinakanta na lang nila ng one song and then goodbye.
Kaya hinding-hindi ko makakalimutan iyon – Michael didn’t take that against them, he took it as a challenge para lalong pagbutihin ang kanyang trabaho.
Ako naman, I felt bad sa ginawang iyon ni Angeline and her camp kaya kahit ano pang gawin nila, malayo ang loob ko sa kanila. Ang sa akin lang naman, bakit nila ipinagkakait ang oportunidad na makatulong sa isang baguhan, para namang di sila galing sa stage one ng singing career nila.
The fact na mismong producer na ang nag-request noon pero di pa rin nila pinagbigyan samantalang itong si Angeline ay gamit na gamit naman ang pangalan ni Ms. Regine Velasquez sa promotion niya dahil idol daw niya ito.
Pero heto ka, isang Ms. Regine Velasquez pa ang mismong nag-request for a duet with Michael. Sabi ko nga, kung si Ms. Regine ang tumangging makipag-duet kay Michael, mauunawaan ko pa dahil sa status niya. Pero hindi ganoon si Regine.
Nagkakasalubong naman kami ni Angeline once in a while, nagbabatian din kami. She says hello naman to me. Pero you know, hindi ko lang makalimutan ang ginawa nila sa alaga ko two years back.
Na-share ko lang ang difference between Ms. Regine and Angeline. For so many years that we have been in this business, nakita namin ang napakalaking difference nila.
Again, our heartfelt gratitude kay Ms. Regine Velasquez for her warmth and sincere generosity. Overwhelmed ako sa tuwa sa gesture na iyon ni Ms. Regine – she’s soooo kind! Thanks again. Mwah! Mwah! Mwah!