Bonggang damit nina Rhian at Glaiza patok sa netizens

rhian ramos

HINDI lang pala ang kuwento ng tomboy serye na The Richman’s Daughter ang inaabangan ng mga manonood gabi-gabi sa GMA Telebabad. Patok na patok din pala sa viewers ang pagiging fashionista ng dalawang bida sa programa.

Ayon sa ilang netizens na tumututok sa The Rich Man’s Daughter, patok na patok sa kanila ang mga damit na isinusuot nina Rhian Ramos at Glaiza de Castro (pati na rin ng iba pang members ng cast) sa kanilang mga eksena.

Sa katunayan, marami raw ang kumokopya sa design ng mga outfit ng dalawang Kapuso actress, lalo na ‘yung mga tomboy na pa-girl pa rin ang emote.

Narito naman ang kailanganm n’yong abangan tonight sa TRMD: Inamin ni David (Luis Alandy) sa kanyang nanay na mahal pa rin niya si Jade (Rhian Ramos).

Makikita ni Jade si Wila (Katrina Halili) sa kalsada, ito ang yayakapin niya for comfort after ng ordeal na dinanas niya. Masa-shock sina Althea at Batchi (Chynna Ortaleza) sa muntikang mangyari kay Wila.

David reveals na may balak siyang mabawi si Jade from Althea (Glaiza de Castro). Hihilingin naman ni Ama (Gloria Romero) kay Oscar (Al Tantay) na iuwi na niya si Jade sa bahay nila.

Sasabihin naman ni Paul (Mike Tan) kay Oscar na ‘wag nang umasang mababago pa sila ni Jade.Aaminin din nina Jade at Althea na mahal na mahal pa rin nila ang isa’t isa at nagdesisyong ituloy ang kanilang relasyon.

Mawiwindang si Amanda (Glydel Mercado) nang makita si Oscar na nakahandusay sa sahig ng kanilang kuwarto. Magkikita-kita ang mga Tanchingco sa ospital nang isugod doon si Oscar.

Amanda tells her children na kung gusto nilang gumaling ang ama nila, they should start fixing their lives–and that means being straight para kina Jade at Paul.

Gusto namang malaman ni Wila kung minahal ba siya noon ni Althea, and Althea tells her the truth – na minahal nga niya ng lubos ang babae, at hinintay niya itong bumalik – pero hindi siya agad binalikan ng babae until it was too late; malulungkot si Wila.

Read more...