How true ang chismax na sinugod at sinampal ng isang kilalang aktres ang isang hunk actor matapos daw nitong sabihin na ang aktres lang ang nag-iilusyon na naging magkarelasyon sila.
Marami nga raw ang nagulat sa ginawa ni actress nang puntahan nito sa isang location ang hunk actor (read: tagpuan ng mga common friends nila) na nagyayabang pa raw that time sa kanyang bagong lovelife.
Pero siyempre, na-shock si hunk actor sa pagsugod ni aktres, lalo na nang sampalin siya nito na parang isang eksena sa teleserye.
A witness or two confirmed na walang nagawa si hunk actor at nag-sorry na lang daw ito sa actress na napakasosyal palang magalit. Hindi naman daw nag-iskandalo roon si aktres, matapos niyang sampalin ang dating boyfriend ay mabilis din itong umalis.
Nag-ending raw sa inuman ang lahat pero sa mata ng maraming nakasaksi at nakabalita ay lumabas ngang mahangin at sinungaling itong si hunk actor!
May magsalita pa kaya sa ex-showbiz couple na ito on their said falling out after the alleged incident o ikurek kaya ni hunk actor ang kanyang sarili sa susunod na interview niya?
Abangan na lang natin ang next episode!!!
MOST READ
LATEST STORIES