Itinanggi ni Enchong Dee na nai-insecure siya sa kasikatan ngayon ni Enrique Gil. May mga nagsasabi kasi na naungusan na siya ni Enrique ng milya-milya. Thanks to Liza Soberano na kalabtim ngayon ni Enrique.
Pilit mang iniintriga sa kasikatan ni Enrique, happy pa rin si Enchong sa success ng dati niyang katropa sa dance group. Besides, may bago ring leading lady ngayon si Enchong sa Wansapanataym special na pinamagatang My Kung Fu Chinito na si Sophia Andres.
Malay natin baka naman mag-click ang tambalan nina Enchong at Sophia sa Wansapanataym at mabigyan din sila ng teleserye sa primetime sa Kapamilya network.
“Alam mo I’m happy for the kids right now like si Inigo (Pascual), si Julia Barreto, si Liza, si Ken (Enrigue). I’m happy for them that they are really doing well.
Uhm, super supportive ako sa kanila,” lahad ni Enchong sa presscon ng My Kung Fu Chinito na nagsimula na kagabi sa ABS-CBN. Say niya kay Sophia bilang leading sa My Kung Fu Chinito, “Batang-batang Sophia Andres.
He-hehehe! Nakakabata, nakaka-high school.” Challenge daw kay Enchong ang bago niyang kapartner. Dahil mas bata sa kanya si Sophia, kailangan daw mag-meet sila in the middle, “Ano’ng gagawin ko para mag-meet kami? Ah, ibaba mo ‘yung bangs mo para bumata ka talaga,” sabay tawa na naman ni Enchong.
Hindi nagko-complain si Enchong kung paiba-iba man daw ang kanyang kapareha on screen. Happy daw siya to have a chance na iba-iba ang pini-pair sa kanya.
“And I want to explore a lot of things like katulad ngayon magko-concert ako. Ngayon naman naka-focus ako doon and this one, My Kung Fu Chinito, action-comedy. So, you get to try a lot of things.
E, ngayon sobra akong seryoso with my concert,” sabi ni Enchong. Ang concert na sinasabi ni Enchong ay magaganap sa Music Museum sa dalawang magkasunod na Biyernes, July 3 and 10, titled “Dee Tour 2015.”
Concert daw talaga ang like niya na gawin, “Bago pa acting, gusto ko talagang mag-perform. It’s my first love. Doon nila mapapanood lahat ng iba ko pang talent na ‘di pa nari-reveal,” ngiti niya.
Anyway, bibida rin sa My Kung Fu Chinito si Richard Yap na magsasalin ng power kay Enchong. Kasama rin Wansapanataym special sina Rio Locsin, Marina Benipayo, Sofia Andres, Atoy Co, David Chua, Mutya Orquia, at Clarence Delgado sa ilalim ng panulat ni Mariami Tanangco Domingo at direksyon ni Erick Salud.