Pinangangambahang umabot sa 4,000 ang mga overseas Filipino workers na nahawahan ng HIV-AIDS ngayong taon.
Kaya naman ipinamamadali ng Trade Union Congress of the Philippines sa Senado ang pagpasa ng panukalang batas upang makontrol ang pagkalat ng nabaggit na nakamamatay na sakit sa bansa.
Ayon kay TUCP president at dating Sen. Ernesto Herrera ang 3,509 napaulat na OFW na may HIV-AIDS ay nadagdagan pa ng 221 bagong kaso mla Enero hanggang Abril ngayong taon.
Umaabot sa 14 porsyento ang mga nahawahang OFW mula sa kabuuang 24,936 kaso ng HIV-AIDS hanggang noong Abril 2015, batay sa datos ng Philippine HIV and AIDS Registry.
Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang gamot ang naturang sakit.
Inaprubahan na ng Kamara de Representantes ang new AIDS Prevention and Control Law (House Bill 5178) upang makapaglungsad ng mga bagong estratehiya sa pagkontrol sa naturang sakit noong Disyembre 2014.
Karamihan sa mga nahawa ay sanhi ng male-to-male sex at sinundan ng needle-sharing ng mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.
Nakabinbin naman ang kaparehong panukala sa Senado at hindi pa naipapasa sa committee level.
OFW na may HIV-AIDS dumarami
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...