PALAISIPAN pa rin sa marami ang cryptic message na ipinost ni Angelica Panganiban sa kanyang Instagram account recently.
“If you got somebody who will ride through thick & thin and hold it down for you, don’t ever play them. You’ll end playing yourself.”
That was the message that the girlfriend of John Lloyd Cruz recently posted.
Marami ang nagtatanong kung patungkol ba iyon sa relasyon nila ni John Lloyd. Marami kasing chikang lumabas na on shaky ground na ang relationship ng dalawa at nag-goodbye sa mga fungi na silang dalawa.
Mukhang naayos naman ang gusot sa pagitan nila. In fact, maanghang ang dayalog ni Angelica recently. Sinabihan niyang mukhang tanga ang nagpalabas ng chikang magkahiwalay na sila ni John Lloyd.
Angelica’s denial was seeking with sarcasm. Parang sinasabi niyang walang magawa ang nagtsikang hiwalay na sila ng kanyang dyowa.
Anyway, meron pang isang post si Angelica na talagang marami rin ang nag-react. She posted a photo of herself na walang tulog nang apat na araw with this caption, “Four days without proper sleep. Ikinaganda ko din naman. Walang kokontra. Ang kumontra inggitera.”
Marami kaming nabasang reactions about the latest posts of Angelica, at iisa lang ang common denominator ng mga nag-react: Mas gusto nilang makitang maghiwalay na ang magdyowa. Kaloka, di ba?