BAGO pa man na-shelve ang kauna-unahang teleserye sana ni Richard Yap with Judy Ann Santos ay naka-pencil na sa schedule niya ang paggawa ng fantaserye para sa Wansapanataym. Summer pa lang ay sinimulan na ni Richard ang taping ng bagong season-episode for Wansapanataym na pinamagatang My Kung Fu Chinito.
Happy si Richard kasi another wish na naman sa career niya ang natupad and that is to do an action-drama series on TV.
“Yes, nag-taekwondo, aikido at nag-Chinese Kung Fu ako dati.
Pero hindi naman kayang-kaya but at least may alam,” sambit ni Richard sa presscon ng My Kung Fu Chinito. Isang businessman named Chairman Tai na super hero ang role ni Richard sa My Kung Fu Chinito.
Pero secret daw ‘yun until dumating ang oras na kailangan na niyang i-transfer ang powers niya bilang superhero sa iba. Dito niya mami-meet si Enchong Dee na isang janitor sa temple.
Tinanong namin si Richard kung meron din ba siyang leading lady sa My Kung Fu Chinito. “Wala,” sagot niya. “For a change. Kami ni Enchong ang mag-ano rito. Ha-hahaha!”
Makakasama nina Richard at Enchong sa kanilang Wansapanataym special sina Rio Locsin, Marina Benipayo, Sofia Andres, Atoy Co, David Chua, Mutya Orquia at Clarence Delgado sa panulat ni Mariami Tanangco Domingo at direksyon ni Erick Salud.
Magsisimula ang pakikipaglaban nina Richard at Enchong sa kasamaan sa My Kung Fu Chinito ngayong Linggo ng gabi sa ABS-CBN.
Bukod sa Wansapanataym hindi naman naman daw siya matetengga habang wala pa ‘yung project nila ni Juday. May niluluto na raw ang isa pang teleserye for him. Mina-mount pa lang ‘to kaya wala pang idea si Richard kung ano ang kwento, role at makakasama niya sa pamalit na serye nila ni Juday.
“For now lang but it will take a few weeks lang naman. Less than a month lang siguro ‘yun before we can start for the new soap,” sabi ni Richard.
In celebration of Father’s Day this coming Sunday, kakanta si Richard sa ASAP kasama ang kanyang daughter. After ASAP may simpleng dinner lang daw sila ng family niya sa kanyang resto sa UP Town Center sa Katipunan, Quezon City.