Dear Aksyon Line.
Nababasa ko ang inyong column sa inyong pahayagan na Inquirer Bandera at tunay nga na marami kayong natutulungan sa mga lumalapit para humingi ng tulong sa mga nahihirapang makipag-ugnayan s amga ahensiya ng pamahalaan.. Im Nilda
Sarmiento and my SSS number is 03-86… Gusto ko lang sana na malaman kung ilan na ang contributions ko sa SSS at ilan pa ang kinakailangan kong bayaran para sa 120 contributions para ma qualify sa SSS pension. Sa ngayon ay wala na akong trabaho kaya gusto kung itanong kung maaari akong mag voluntary contributions para maipagpatuloy ang aking contributions sa SSS. Sana ay matulungan ninyo ako sa aking katanungan..
REPLY: Para sa iyong katanungan Ms. Sarmiento base sa aming record, mayroon ka ng 116 months na naihulog o contributions sa SSS at kinakailangan na lamang ng 4 months na hulog para makumpleto ang 120 contributions
Maaari din na ipagpatuloy ang paghuhulog sa pamamagitan ng voluntary contributions.
Sa ilalim ng Social Security System law, ang mga kaanib na may 60 taong gulang pataas ay kailangang makapagbayad ng 120 months contributions upang maging kwalipikado sa retirement pension. Samantalang ang kulang pa sa 120 kontribusyon ay makakakuha lamang ng lump sum retirement na benepisyo na katumbas lamang ng kabuuang halaga nang naibayad niya sa kanyang kontribusyon sa SSS at tubo.
Pinapayuhan si Ms Sarmiento na magtungo sa pinakamalapit na sangay ng SSS sa inyong lugar. Sana ay nasagot namin ang iyong katanungan
Ms. Beth Suralvo
Senior Officer, Media Affairs Department
SSS
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.