Enchong may offer mula sa ibang network, pero loyal sa ABS

enchong dee

Hindi naisip ni Enchong Dee na iwan ang ABS-CBN kahit halos isang taon siyang walang trabaho. Sulit na sulit naman daw ang paghihintay niya dahil finally ay binigyan siya ng Dreamscape Entertainment ng sariling show na siya pa mismo ang title role.

Ito ang ang Wansapanataym Presents My Kung Fu Chinito kung saan makakasama niya si Richard Yap. Magsisimula na ito sa Linggo, June 21, kapalit ng Yamishita’s Treasures nina Coco Martin at Julia Montes.

Sey ni Enchong, “Hindi naman nawawala ‘yung offer (mula sa ibang networks). There will always be offers kasi siyempre hindi lang naman tayo iisang kumpanya.

Pero it all boils down to kung ano ang mga nagawa kong proyekto, sino ang mga nagtiwala sa akin and nandito lahat sila sa ABS.”

“Hindi ako napagod maghintay and alam ko naman na kapag naghintay ako, may magandang parating, at ito na nga ang My Kung Fu Chinito,” anang binata na umaming matagal na niyang pangarap na maging superhero na tinupad nga ng ABS-CBN.

Kasama rin sa Wansapanataym Presents My Kung Fu Chinito sina Rio Locsin, Marina Benipayo, Atoy Co, David Chua, Mutya Orquia, Clarence Delgado at Sofia Andres, sa direksiyon ni Erick Salud.

Read more...