BONGGA naman talagang maituturing ang pagkapanalo ni Eula Valdez bilang 38th Gawad Urian Best Actress (para sa Dagitab) dahil hindi naman basta-basta lang ang mga nakalaban niya sa nasabing kategorya.
Imagine, talunin mo nga naman sa pagiging pinakamahusay na aktres ng taon ang tulad nina Eugene Domingo, Comedy Queen Ai Ai delas Alas, Angelica Panganiban at ang Superstar na si Nora Aunor.
May rason ang magaling na aktres para mas maging proud dahil hindi lumabas na tsamba ang pagkakapanalo niya bilang Best Actress sa “Dagitab” na naging lahok din noon sa Cinemalaya.
Sey ni Eula, “No expectations at all but I was hoping though to get an Urian because yun na lang ang kulang ko and it would be a dream come true to get one. All the other nominees just got their respective awards abroad not to mention Ms. Nora Aunor herself is a co nominee and just won as well.”
Inialay pa nito sa ina ang mga nakamit na tagumpay sa showbiz, “All that I have achieved from this industry I dedicate to my number one fan, my late mother, Gracia Amorsolo Valdez.”
Kuntentong-kuntento nga si Eula sa ngayon kahit pa daw madalas na rin siyang inaatake ng “hot flashes”, senyal na nasa menopausal stage na siya, “That’s life. But for as long as kasama ko ang mga mahal ko sa buhay at enjoy ako sa work, walang reason para maging sad, di ba?” hirit pa ng Urian Best Actress winner.
Proud ding ibinahagi ni Eula ang pagkakasali niya sa GMA afternoon series na The Half Sisters na kahit medyo late na siyang napasama sa serye ay patuloy pa rin itong humahataw sa ratings game.
Muli niyang nakasama rito ang kanyang mortal na kaaway noon sa seryeng Pangako Sa ‘Yo na si Jean Garcia. Dito ay nag-aagawan uli sila sa isang lalaki – kay Jomari Yllana. Na patok na patok sa viewers.
“Sobrang nakakataba ng puso yung klase ng suporta ng manonood sa show. Kahit late pumasok yung karakter ko, naka-one year na ang show at napakataaas pa rin ng rating na tinatawag na nga nila ngayong flagbearer ng GMA afternoon slot.”
Ang isa pa raw na ikinaloloka ni Eula ay ang madalas na paggamit sa “tambalan” nila ni Jean bilang peg o refrence ng mga bida-kontrabida character sa mga soap opera dahil nga sa tatak na iniwan ng kanilang Amor Powers at Claudia Buneavista roles sa original PSY.
“Nakakatawa mang aminin, pero talagang veterans na rin ang tawag sa amin, pero masarap sa pakiramdam yung respeto at pagmamahal ng mga taga-industriya sa mga nagawa mo,” dagdag pa nito.