NGAYONG umaga, pakaabangan ang pagsalubong ng nag-iisang Asia’s Songbird Regine Velasquez sa pagbabalik-Pinas ng dalawang Asia ‘s Got Talent hosts.
Ang tinutukoy namin ay magkaibigang sina Marc Nelson at Rovilson Fernandez na hinangaan ng buong Asia ang galing sa pagho-host ng nasabing reality talent search.
Makipagkumustahan at makisali sa kaguluhan ng magkaibigan! Alamin kung paano nga ba talaga nagkakilala ang mag-bestfriends na ito.
At ano nga ba ang totoong balita sa lovelife nilang dalawa? Taken na nga ba ang dalawang hunk TV host o very much single pa rin? May anak na ba sila? Anu-ano nga ba ang mga ginagawa nila kapag wala sa harap ng mga camera?
Samantala, sasamahan naman kayo ng mga bubble shakers na sina Arny Ross at Denise Barbacena sa pagdiskubre ng mga kakaibang tambayan at mapagkakabisihan.
Huwag palalampasin ang isa na namang exciting at productive morning sa favorite n’yong cooking show with a twist na punumpuno rin ng tsismisan at tawanan, ang Sarap Diva sa GMA 7!