Liza sinira ang pangako sa talent manager, pumayag nang makipagrelasyon kay Enrique

enique gil

HINDI tumupad si Liza Soberano sa pangako niya sa kanyang manager na si katotong Ogie Diaz na hindi muna magpapaligaw o magbo-boyfriend hangga’t wala siya sa edad na 25.

Bukod dito, sinabi rin noon ng dalagita kay Ogie na hindi muna siya magseseryoso sa lovelife hangga’t hindi siya nakakakapagpundar ng dalawang bahay, isang condo unit at dalawang sasakyan.

Kaya namin ito nasabi ay dahil kalat na kalat na ang balitang may mutual understanding na sina Liza at Enrique Gil. Sa interview ng aktor sa Gandang Gabi Vice at Aquino & Abunda Tonight palagi nitong sinasabi na may “something” na sila ng kanyang ka-loveteam.

Nu’ng una naming marinig ito sa GGV ay dedma kami dahil baka pang-promo lang para sa movie nilang “Just The Way You Are” na kasalukuyang humahataw ngayon sa takilya.

Pero nu’ng mag-guest uli siya sa A&A noong Miyerkules ng gabi ay binanggit niya uling may something na sila ni Liza.Kaya na-curious kaming tanungin ang manager ng dalagita na si katotong Ogie kung ano ba ‘yung something special sa pagitan ng dalawa, ang sagot niya sa amin, “Yung something special, mutual understanding iyon,” pagkumpirma niya sa amin.

Hindi kaya ‘yung something special, e, maging “something serious” na, balik tanong namin sa katotong Ogie. “Hamo na, basta wag lang lalampas sa guhit at mai-deliver niya ang two houses, condo and two cars,” katwiran ng manager ni Liza.

In fairness, nagpaalam naman daw ang alaga ng katotong Ogie sa kanya bago nakipag-“something special” sa leading man niya, “Nagsabi naman, sabi ko lang sa kanya, wag lang masyadong mahuhulog dahil bata pa siya at dapat priority niya ang career niya.”

Humingi rin daw ng permiso ang aktor kay katotong Ogie na payagan na silang magkaroon ng MU ni Liza, “Nag-usap kami sa eroplano when we left Isabela,” say pa ng manager.

Biro naman ni Ogie, pinabantayan na naman daw niya kay Nathaniel si Liza para kahit saan daw ito pumunta kasama si Enrique ay hindi ito makalimot sa kanyang sarili.

Read more...