Must-win ang Kia, Talk ‘N Text

KIA, global

Mga Laro Ngayon 

(Araneta Coliseum)
4:15 p.m. KIA vs.
Talk ‘N Text
7 p.m. Blackwater vs. NLEX
Team Standings: San Miguel Beer (8-2); Alaska Milk (7-2); Barako Bull (6-4); Globalport (6-4); Rain or Shine (6-4); Meralco (5-4); KIA Carnival (4-5); Star Hotshots (4-5); Ginebra (4-6); Talk ‘N Text (4-6); NLEX (2-7); Blackwater (1-8)

BUHAY at kamatayan ang nakataya sa pagtutuos ng Talk ‘N Text at KIA Carnival sa PBA Governors Cup mamayang alas-4:15 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.
Sa ikalawang laro sa ganap na alas-7 ng gabi ay magkikita ang NLEX at Blackwater na kapwa nalaglag na sa labanan at naghahangad na lang na magkaroon ng magandang pamamaalam.
Ang Tropang Texters ay galing sa 105-93 pagkatalo sa defending champion Star Hotshots at bumagsak sa 4-6 record. Must-win ang kanilang sitwasyon at kung matatalo sila ay tuluyan na silang magbabakasyon.
Ang KIA ay nakaranas ng back-to-back na kabiguan buhat sa Globalport (102-94) at Rain Or Shine (94-90) at katabla ng Star sa ikapitong puwesto sa record na 4-5. Ang huling laro ng Carnival ay laban sa Meralco sa Hunyo 24 kung kailan magtatapos ang elims.
Ang Talk ‘N Text ay pinamumunuan ng mga imports na sina Steffphon Pettigrew at Sam Daghles na sinusuporahan nina Jayson Castro, Ranidel de Ocampo, Kelly Williams antLarry Fonacier.
Si Pettigrew ay makatapat ng seven footer na si Hamady N’Diaye samantalang si Daghles ay makakatunggali ni Jet Chang. Si KIA assistant coach Chito Victolero na siyang gumagabay sa Carnival haang wala si Manny Pacquiao ay umaasa rin kina LA Revilla, Hyram Bagatsing, Leo Avenido, Mark Yee at Rich Alvarez.
Ang NLEX ay tnambakan ng Gobalport, 108-80 sa kanilang huling laro at bumagsak sa 2-7. Kat na manalo ang Road Warriors sa kanilang huling dalawang laro ay hindi na sila aabot sa susuod na round. Ang kanilang huling kalaban ay ang Barangay Ginebra sa hunyo 24.
Ang Blackwater ay nangungulelat at may iisang panalo sa siyam na laro. Makakatunggali pa nila ang Star Hotshots sa Martes. Ito ang ikatlong sunod na pagkakata0ng hindi akarating sa quarterfials ang Elite.
Samantala, magtutuos ang league-leaders San Miguel Beer at Alaska Milk bukas ng 5 pm sa Panabo City Multi-purpose and Cultural Center sa Davai de Norte.

Read more...