Para sa may kaarawan ngayon: Maraming salapi ang darating. Isipin na kaya ka nagtatrabaho para lumigaya kaya huwag tipirin ang sarili. Wag ding tipirin ang kasuyo – tutal birthday mo naman ay i-blow-out ang kasuyo sa isang mamahaling restaurant. Mapalad ang 1, 19, 23, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: Aum-Brahma-Namah-Om.” Blue at orange ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)— Sa pinansyal, higit kang kikita nang malaking halaga kung mag-aabroad. Sa pag-ibig, wag mong asahan ang kasuyong walang pangarap sa buhay. Mapalad ang 6, 16, 27, 35, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mandala-Om.” Pink at magenta ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Hindi ka tatanda kung palagi kang masaya. Ngitian ang mga kausap upang dumami ang pera. Sa pag-ibig, higit na sasarap ang romansa kung hahaluan ng harutan at biruan. Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: Aum-Krato-Joviyo-Om.” Green at purple ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Wag isiping nagkakaedad ka na! Sa aspetong pang-pinansyal, marami ka pang magagawa upang umunlad. Simulan mo na ngayon ang pagpapayaman. Sa pag-ibig, tandaan na “ang pusong laging nagmamahal ay laging bata ang pakiramdam!” Mapalad ang 5, 15, 22, 33, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Savitre-Akaye-Om.” Pink at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Kung sapat ang iyong pagpipilit, ikaw ay mananaig. Ganoon din sa pagyaman— kung sapat ang iyong pagpipilit, yayaman ka. Sa pag-ibig, hindi naman dapat na pilitin ang kasuyo sa isang bagay na hindi pa siya ready. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sutra-Vasudeva-Om.” Green at red ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Kapag nawala ang inggit, mas madali kang susuwertehin at yayaman. Sa pag-ibig, minsanay hindi masamang sundin ang suhestyon ng kasuyo na tumahimik at magpakumbaba. Mapalad ang 1, 10, 37, 44, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhavantu-Madhu-Om.” Yellow at silver ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Walang perpektong relasyon dahil wala namang perpektong tao. Unawain na lamang ang kasuyo upang huwag kayong magkagalit. Sa pinansyal, paglaanan ng salapi ang kalusugan at kinabukasan ng pamilya. Mapalad ang 5, 12, 27, 33, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Gurudevo-Gurudeva.” White at purple ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Higit na makapagbibigay ng kapayapaan ng puso ang pagtulong sa mga nangangailangan. Ito ang lihim ng isang matagumpay at maligayang pamumuhay: “love at charity”. Mapalad ang 6, 9, 17, 35, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mira-Miraculum-Om.” Pink at green ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Wag aanga-anga upang hindi lumagpas ang suwerte. Kapag nakakita ng pagkakataong mapagkakaperahan, sunggaban agad! Sa pag-ibig, ikaw na ang magsimula upang muling uminit ang nanlalamig na relasyon. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Red at beige ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Pag-igihan pang lalo ang pagmamahal sa kasuyo dahil malaking halaga ng salapi ang mapapakinanbangan mo mula sa kanya. Wag mainip, matutong maghintay. Ang taong marunong maghintay ang laging pinagpapala ni Lord. Mapalad ang 9, 18, 27, 33, 36, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Grehan-Om.” Blue at pink ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Bilang pasasalamat sa tinamong magandang kapalaran, habang umuulan ay i-blow-out ang minamahal. Yayain ang kasuyo na kumain sa labas at manood ng sine. Sa pinansyal, kapag pumasok na ang ganap na tag-ulan, lalong mas maraming grasya ang darating. Mapalad ang 1, 13, 21, 27, 30, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Om-Visnu-Purana-Om.” Red at gray ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Paminsan-minsan ay dapat kang mag-isa upang ma-realize mo ang tunay na esensya ng buhay. Wala sa salapi ang wagas na kaligayahan. Maghanap ng taong mamahalin ka at mamahalin mo rin sa katauhan ng isang Libra. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 34, at 47. Mahiwaga mong mantra: “El-Adonai-El-Elohim.” Green at violet ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Tandaang mahirap kitain ang pera kaya kailangang magtipid, magtipid at magtipid pa! Sa pag-ibig, impluwensiyahan din ang kasuyo na wag gumastos nang gumastos nang walang kabuluhan. Sa ganyang paraan ay mas madali kayong uunlad at yayaman. Mapalad ang 5, 15, 23, 32, 41, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vedanta-Krisna-Om.” Silver at red ang buenas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.