Ai Ai atras na sa eleksiyon 2016: May sinabi kasi sa akin si Ate Vi!

By Ervin Santiago June 19,2015
share this

Ai Ai atras na sa eleksiyon 2016: May sinabi kasi sa akin si Ate Vi!

By Ervin Santiago June 19,2015
share this
AI AI DE LAS ALAS

AI AI DE LAS ALAS

Hindi na talaga itutuloy ng Philippine Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas ang pagtakbo sa politika sa darating na 2016 elections.

Nakachika namin ang bida sa GMA TeleBabad series na Let The Love Begin nu’ng Miyerkules ng gabi sa taping nila sa GMA building at dito nga niya ibinalita na isinantabi na muna niya ang planong pagsabak sa politika.

Ayon kay Ms. A, “Sinabi ko naman yun sa past interview ko na, baka hindi na muna ngayon. Pag-iisipin ko munang mabuti kung itutuloy ko pa ba. Kasi di ba, next year na ang eleksiyon, pero feeling ko, hindi pa ako handa, kaya huwag na muna.”

Nagkausap din daw sila ng kanyang idol na si Gov. Vilma Santos tungkol dito, at ang naging payo nga raw nito sa kanya ay huwag maging padalus-dalos ang desisyon.

“Sinabi kasi sa akin ni Ate Vi, na kailangan isapuso ko muna ang politika. E, naisip ko, marami pa akong gagawin, marami pa akong plano sa mga anak ko, so siguro kapag maayos na maayos na lahat, pag-iisipian ko uli ang bagay na yan,” paliwanag pa ng Comedy Queen.

Samantala, nagpasalamat si Ai Ai sa lahat ng mga Kapuso na patuloy na tumututok sa Let The Love Begin kung saan kasama rin niya sina Gardo Versoza, Gladys Reyes, Donita Rose at ang promising Kapuso loveteam na sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia.

Sey ni Ai Ai, magaganda ang mga nababasa niyang komento at reaksiyon ng televiewers sa kanilang serye, kaya mas lalo silang ginaganahang magtrabaho. Marami pa raw kailangang abangan ang nga manonood sa Let The Love Begin kaya huwag na huwag daw kayong bibitiw.

Napapanood ang Let The Love Begin mula Lunes hanggang Biyernes after Pari ‘Koy sa GMA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending