Shamcey Supsup, Lloyd Lee mabilis nakabuo ng baby sa US

SHAMCEY SUPSUP

SHAMCEY SUPSUP


Seven weeks preggy na ang beauty queen na si Shamcey Supsup kaya naman super happy ang husband niyang si Lloyd Peter Lee.

Nakausap namin ang mag-asawa sa launcing ng kanilang resto, ang Pedro ‘N Coin a matatagpuan sa third floor ng Fisher Mall sa Quezon Avenue, Q.C..

Ang payat-payat ni Shamcey at mas gumanda pa.

When asked kung ano ang gusto niyang maging baby, kung boy or girl, Shamcey said, “Wala naman, kahit ano, boy, girl.”

And since nasa early stage pa lang siya ng pagbubuntis ay hindi pa nila napag-usapan ang magiging name ng kanilang baby.

“Busy kami dito (resto). Kapag alam na namin ang gender then we can start thinking about names,” say ng beauty queen.

Mabilis nakabuo ng baby ang mag-asawa, “Hindi kami pinahirapan. When we tried, when we asked for it, binigay agad ni Lord,” sabi ni Lloyd.

First time rin nilang mag-venture sa business kaya naman hands-on sila, “Mahirap siya but then it’s rewarding. It’s our own business, you have your own time pero at the same time lahat ay sa iyo din,” sabi niya.

“Kasi Peter po ang second name niya and Coi Coi is my nickname,” paliwanag ni Shamcey tungkol sa name ng kanilang resto.

Napansin namin na very Pinoy ang restaurant nila, mula sa baso, plato at design ay talagang Pilipinong-Pilipino.

“It’s all Pinoy. We have Tambayan ni Pedro sa baba. Then we have the jeepney na ang background mo ay old Manila. Upstairs naman, ang tawag namin ay Bahay ni Coi kasi it’s a remake ng bahay ni Shamcey sa GenSan doon sa probinsiya,” say ni Lloyd.

Read more...