James Yap bumawi kay Bimby; labs pa rin si Joshua

BIMBY AT JAMES YAP

BIMBY AT JAMES YAP

MAY nakapagsabi sa amin kung ano talaga ang dahilan kung bakit napaiyak at nagtampo si Bimby sa kanyang amang basketball player na si James Yap.

Pero nakiusap ang aming kausap na huwag na itong isulat para sa kapakanan na rin ng bunsong anak ni Kris. Medyo sensitibo nga kasi ang naging isyu sa pagitan ng mag-ama kaya ibalato na lang natin yun sa kanila.

Anyway, mukhang bumawi naman si James sa anak nang magkasama nga sila noong Miyerkules para sa advance celebration ng Father’s Day. Nakita namin ang ilang litrato ng mag-ama sa Instagram account ng cager at ni Kris Aquino habang nagba-bonding together.

Sa isang larawan makikita na tila naglalaro ang magtatay, nilagyan ito ni James ng caption na: “Advanced father’s day bonding with Bimb. #happy #proudpapa.”

Ibinandera rin ni James sa kanyang IG account ang regalo ng kanyang anak na Iron Man t-shirt na mismong si Bimby daw ang pumili at bumili. Meron pa itong kalakip na greeting card na may mensaheng, “Papa, Happy Father’s Day. Love, Bimby.”

Sagot naman ni James sa anak, “Thank you Bimb for my gift. #iloveyou #verynice #happyfathersdaygift!”

Kung matatandaan, mismong si Kris ang nagbuking sa madlang pipol na sumama ang loob ni Bimby sa kanyang ama kasabay ng pagdedenay sa balitang inilalayo niya ang loob ng bata sa tatay nito. Siya pa nga raw ang gumagawa ng paraan para mas maging close pa sa isa’t isa ang dalawa.

Samantala, nag-post naman si Kris ng photo collage sa kanyang IG account kung saan makikita ang bonding moments nina Bimby at James, kasama ang panganay niyang si Joshua na close na close pa rin sa kanyang ex-husband.

Tuwang-tuwa ang TV host-actress sa muling pagkikita-kita ng tatlo, “This has been our day, I’m still here in Antipolo taping. Bimb wrote his Father’s Day Card & prepared his gift, then the 2 boys had merienda w/ James & I was able to make a very meaningful pilgrimage to #OurLadyofPeaceandGoodVoyageShrine. (God’s perfect timing & God’s perfect peace indeed.)”

Read more...