Rain or Shine naungusan ang Kia, 94-90

rain or shine

MULING nagbida si Paul Lee para sa Rain or Shine Elasto Painters na naungusan ang Kia Carnival, 94-90, para masungkit ang ikalimang sunod na panalo sa 2015 PBA Governor’s Cup kahapon sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Sa free throw line nagkatalo ang laban at ang Elasto Painters, sa pangunguna ni Lee, ay nagawang mapigilan makalapit ang Carnival.

Si Lee ay naghulog ng anim na diretsong free throws sa huling 20 segundo para sagutin ang bawat scoring play ng Carnival.“It was our experience that gave us an edge in the end game,” sabi ni Elasto Painters head coach Yeng Guiao na ang koponan ay umangat sa ikaapat at ikalimang puwesto sa 6-4 kartada.

“We are able to close out games because of our experience.” Pinamunuan ni Wendell Mckiness ang Rain or Shine sa ginawang 24 puntos at 20 rebounds habang si Lee ay nag-ambag ng 20 puntos.

Si Hamady N’Diaye ay nagtala ng 31 puntos at 21 rebounds para sa Kia na nahulog sa 4-5 karta.

 

Read more...