Ayon sa balita, ang bagong karelasyon ni Iza ay isang negosyante at sinasabing co-founder ng matchmaking website na TrustCircle.
In fairness, bukod nga sa pagiging high-profile, talagang maraming kinilig kina Iza at Ben, lalo na nang magbigay na ang binata ng message para sa kanyang girlfriend.
“First is, I hope that your passion continues to lead you to more fresh and challenging projects.Second, I hope that work doesn’t keep her up so late at night because I want her to stay healthy and be around for another 30 years.
“My last wish is that I hope she enjoys the dinner I’m gonna cook for her tonight,” ani Ben sa The Buzz na talagang ikinaloka ng mga manonood.
Mas lalo pa raw nabaliw-baliw sa sobrang kaligayahan si Iza sa surprise birthday gift sa kanya ni Ben, ang flash mob kung saan sabay-sabay na nagsayaw ang mga taong malalapit sa kanya.
Isa sa mga birthday wish ni Iza ay, “I hope, one day, I can be with the person that can bring out the best in me and, hopefully, be a good mother at some point. But sa ngayon, marami pa akong gustong gawin sa career ko.”
Say naman ng isa naming friendship na inggit na inggit kay Iza, “Naku, ingatan niya ang dyowa niya dahil maraming ahas diyan, baka maagaw pa ng iba! Ha-hahaha!
In fairness ang sarap papakin ng boyfriend niya, ha!”