PNP Task Force, bakit ngayon lang?

NAGTATAG ng kanya-kanyang task force ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) upang imbestigahan ang mga diumano’y sunud-sunod na panggagahasa sa Jolo. The series of rapes were committed allegedly by scions of rich and powerful families in Sulu. Ang isa sa mga suspek ay anak ng mataas na opisyal ng Sulu na kaalyado ni Pangulong Gloria. Kung hindi pa inekspos ng column na ito at ng column ko sa INQUIRER, hindi pa kikilos ang damuhong mga pulis. In fact, kinakampihan pa nga ng chief of police ng Jolo ang mga rapists nang sinabi nito na pumayag na makipagtalik ang mga biktima. Dapat siguro ay palitan ng isang matapang na hindi Muslim ang hepe ng pulisya ng Jolo, para di ito maimpluwensiya ng mga local officials. * * * At bakit nga pala kinakailangang maging Muslim ang mga police directors at police chiefs ng Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM)? Kahit ba walang alam ang isang Muslim police officer ay ipipilit ito na maging hepe ng Muslim town, city or province? Ang isang Muslim police officer ay madaling maimpluwensiya ng mayor o gobernador ng predominantly Muslim town or province dahil magkauri sila.Kailangang may check and balance sa pagpapatupad ng batas sa Muslim areas. * * * Isa pang anomalya ay ang pag-assign ng mga Muslim rebel integrees sa Armed Forces sa kanilang mga lugar.Hindi maganda ito dahil ang karamihan ng mga kamag-anak at dating kasamahan ng rebel integrees ay nasa Abu Sayyaf, MILF o MNLF pa.Kapag nagsagupaan ang militar at Abu Sayyaf o rebeldeng Moro, saan kakampi ang mga rebel integrees? Eh, di sa kanilang mga dating kasamahan o kamag-anak na nasa kabilang panig.Marami nang pagkakataon na bumaligtad ang mga rebel returnees at pinatay ang kanilang mga kasamahang militar nang magsagupaan ang sundalong AFP at mga rebelde or bandido. Blood is thicker than water, ‘ika nga. * * * Itinuro ko kay Pangulong Gloria ang anomalyang ito nang ako’y nasa good graces pa ng First Couple. Sinabi ko na dapat ay i-assign ang mga Muslim rebel returnees sa mga NPA-infested areas sa Luzon o Visayas at hindi sa kanilang mga lugar.Sinabi ng Pangulong Gloria na napakaganda ang aking suhestiyon.Pero hindi niya ito ipinatupad. * * * Napag-usapan namin ni GMA ang anomalya nang isang battalion commander noon ng Army ay pinatay ng kanyang sariling mga tauhan na Muslim.Nagkasagupa kasi ang battalion ng Army lieutenant colonel at mga rebelde sa Sulu.Ilan sa mga tauhan ng colonel sa battalion ay mga Muslim Tausog at sila’y bumaligtad sa kainitan ng labanan. Mon Tulfo, Target ni Tulfo BANDERA, 100809

Read more...