Julie Anne mas pipiliin pa rin ang kumanta kesa mag-artista

julie anne san jose

IBAT-IBANG field na ang nasubukan ng Kapuso singer-actress na si Julie Anne San Jose.

Nandiyan ang singing, dancing, acting at hosting. Pero nang tanungin ang dalaga kung ano ang pinakagusto niyang gawin, bigla itong naging seryoso at natahimik saglit dahil lahat daw ng ginagawa niya ay napamahal na talaga sa kaniya.

“Oh my god, ang hirap! Siguro singing. Kasi ever since I was 2, singing talaga yung unang-unang nasa puso ko. Doon ako unang nakitaan ng potential ni Mom para ipasok sa ganitong klaseng field. God-given talaga, tsaka I’m blessed kasi nabigyan ako ng ability or skill to sing,” pahayag ni Julie.

Paliwanag pa ng Kapuso star na malapit nang mapanood sa bagong serye ng GMA 7 na Buena Familia, “Kapag kasi kumakanta ka, kumbaga it lives. It forever will.

Kasi kapag acting, bihira naman ang opportunities na pwedeng dumating sayo, or hindi mo alam kung pasok ba yun sayo. Yung hosting ganu’n din. Kasi kapag singer ka, you can shift.”

Overwhelmed din ang GMA Artist Center talent sa tiwala at oportunidad na binibigay sa kanya ng Kapuso Network. Tulad na lamang ng pagho-host, kung saan masaya siyang na-i-incorporate ang mga natututunan niya sa pagiging isang Mass Communication major.

Read more...