NAKIUSAP si Eric Quizon sa publiko na sa halip na mag-isip ng puro kanegahan tungkol kay Zsa Zsa Padilla na umaming may stage 1 cancer sa kidney, ay ipagdasal na lang daw ang singer-actress para mapabilis ang kanyang paggaling.
Ayon kay direk Eric, “Of course, we are sending her positive energy.
Hintayin na lang natin ang results.
Siguro naman magiging maganda naman ang resulta.
Huwag na lang magpakanega,” pahayag ni Eric sa isang interview.
Dagdag pa nito, “Of course, we are concerned, natural lang iyun, it’s a normal reaction.
She is part of the family. She is family. We’re just all hoping na it’s nothing serious.”
Naniniwala si Eric na isang matapang na babae si Zsa Zsa at hindi ito basta-basta sumusuko sa pagsubok ng buhay. Aniya, ibibigay nila sa partner ng yumao nilang amang si Mang Dolphy ang lahat ng suportang kakailanganin ni Zsa Zsa para sa kanyang pagpapagamot.
Ibinalita rin ni Eric at ng pamilya Quizon na sa darating na Aug. 31 ay gaganapin ang bonggang tribute at benefit concert para kay Mang Dolphy na ididirek ni Al Quinn, ang direktor din noon ng John En Marsha – ang “Dolphy Alay Tawa” sa SM Mall of Asia Arena para sa Dolphy Aid Para sa Pinoy Foundation.
“It’s actually a benefit concert. Para siyang free, pero first come-first served, e. Ayaw lang namin magkagulo. Ang gusto namin, orderly.
Kaya ginawa namin, for minimum donation of P150, they can get a ticket, and they can watch the show,” sabi ni Eric.
“Itong donation na ito, mapupunta sa magandang causes, ‘no. Ang mga beneficiaries nito ang Red Cross, Eye Bank.
On site, magkakaroon kami ng blood-letting, magkakaroon kami ng free eye check-up.
“Tapos at the same time, magbibigay din kami ng scholarships para sa Dolphy Aid Para sa Pinoy Foundation, at magpapatayo kami ng classrooms together with Friends of Hope Foundation, sa isang public school sa Tondo where my dad grew up.
“Magsasama-sama ang ating mga malalaking artista from the different networks to pay tribute to my dad, and, of course, ganu’n na rin ang ibang mga Quizon family, magpi-perform din kami,” paliwanag pa ng actor-director.
Dagdag pa ni Eric sabay daw na mapapanood ang tribute na ito para kay Dolphy sa ABS-CBN, GMA at TV5.
Kaugnay nito, sa morning show kahapon ni Kris Aquino ng Kris TV sa ABS-CBN, sinabi nito na nagpalitan sila ng mahahabang text ng best friend niyang si Zsa Zsa Padilla tungkol sa pinagdaraanan nitong pagsubok.
Sinabi nga ng Divine Diva kay Kris (bago pa raw ito nabalita sa TV at mga dyaryo) na na-diagnose nga siya na may Stage 1 kidney cancer.
Malignant ang nakitang bukol sa kanyang bato na kasing laki na ng golf ball.
Sabi raw ni Zsa Zsa kay Kris nu’ng una, “Oh man, I have cancer.”
Narito pa ang text messages ng Divine Diva kay Tetay, “I was diagnosed with cancer.
Actually, first check-up pa lang when they saw my old films in Manila, Dr. Froch (nephrology/internal medicine specialist ng Cedars-Sinai Medical Center sa Los Angeles, California) told me it’s malignant.”
“I had blood works and a CT scan yesterday with and without the dye and it still showed the same thing—almost 3 cm tumor.
He wants to take it out.
“After surgery, I was told, I wouldn’t need anything else—no chemo or radiation since stage one pa lang.
Thank God, naagapan.
“Laparoscopic surgery will be performed for whole two days sa hospital and then follow-up.
“After a week, I can fly out na. I can work after four weeks. Faster recovery, at least I can go back to work.
“After six months, follow-up, unless pathologist says otherwise.
Meaning, if it is not stage one after biopsy,” ayon pa kay Zsa Zsa na nakatakdang operahan sa Aug. 27 sa US.
Sa isang interview naman sinabi ni Zsa Zsa na, “I’m happy people are praying for me, I really need it.
When I get home, I no longer want to say that I have cancer.
After surgery, I want to be able to say, ‘I am a cancer survivor.’ Thanks for being strong for me.”