IBINASURA ng Korte Supre ang petisyon ni Makati Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay na mag-inhibit si Chief Justice Maria Lourdes Sereno at dalawa pang justice sa pagdinig sa suspensyon na ipinalabas laban sa kanya ng Office of the Ombudsman.
Bukod kay Sereno, hiniling din ni Binay na mag-inhibit sina Senior Associate Justice Antonio Carpio at Associate Justice Martin Villarama.
Hiniling ni Binay na mag-inhibit si Sereno matapos umanong ipakita ang kanyang pagkiling sa isinagawang oral argument noong Abril sa Baguio City nang kanyang pagsabihan ang abogadong si Sandra Coronel.
Samantala, pinag-iinhibit din ni Binay si Carpio dahil sa pagiging pinsan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales, na siya namang nagpalabas ng anim-na-buwang suspensyon laban sa kanya.
Umamin naman si Villarama na may kilala siyang abogado mula sa Ombudsman.
Inihain ni Binay ang mosyon matapos namang mag-inihibit ang apat na justice sa kaso noong isang buwan, kabilang sina Associate Justices Presbitero Velasco Jr., Diosdado Peralta, Arturo Brion and Francis Jardeleza. Inquirer.net