Isang kotongerong opisyal ng pulis

BANDANG hapon ng Biyernes, June 12, si Nelia Lim, isang matagal ko nang kaibigan, ay tumawag sa inyong lingkod para ibalita na ang aming mutual friend na si Bel ay nangangailangan ng aking tulong.

Sabi ni Nelia, kinokotongan daw si Bel ng malaking halaga ng ilang pulis.

Napag-alaman ko kay Nelia na ang anak ni Bel na 19-anyos na si Nikko ay nadakip ng mga tauhan ng Station 6 ng Quezon City Police District (QCPD) sa Philcoa district habang siya’y bumibili ng shabu sa isang pulis na nagpanggap na isang pusher.

Nang tinawagan ko si Bel, isang single parent, siya ay nasa loob ng opisina ni Supt. Victor Pagulayan, ang hepe ng Station 6 sa Batasan district.

Sinabihan ko si Bel na lumayo muna sa mesa ni Pagulayan habang nakikipag-usap ako sa kanya.

Sinabi niya na pinipilit siya ni Pagulayan at ng kanyang mga tauhan na bigyan sila ng P200,000 upang pakawalan nila si Nikko; at kung hindi ay sasampahan nila ng drug pushing, isang non-bailable offense, sa halip na drug possession na magaan na kaso.

(Sa possession, baka ipapa-rehab lang ng judge si Nikko dahil siya’y biktima lamang ng lumalaganap na drug addiction).

Take note, dear readers, na si Nikko ay bumibili lamang—hindi nagtitinda—sa isang pulis na nagkunwari na drug pusher.

Ang mga pulis ng Station 6 ay operating out of their jurisdiction dahil ang Philcoa district ay saklaw ng QCPD Station 9.

Sinabi ni Bel na ang mga pulis sa Station 6 ay humihingi ng kalahating milyong piso para pakawalan si Nikko , pero napababa niya ito sa P200,000.

Sinabi niya kay Pagulayan na wala siyang maibigay na ganoong halaga dahil ang mga bangko ay sarado—holiday noong Biyernes dahil Independence Day—pero nagiinsista ang opisyal ng pulis na kailangan nang maibigay ang pera noon ding araw na yun.

Natatandaan ko pa ang sinabi ko Bel: “Bide for time, tell them you can only come up with that amount on Monday. Ako na ang bahala sa Lunes.”

Matapos akong nakipag-usap kay Bel, tinawagan ko si Deputy Director General Leonardo Espina, officer-in-charge ng Philippine National Police (PNP), at sinabi ko sa kanya ang pangongotong ni Pagulayan.

Napagkasunduan namin ni Espina na mag-set up ng patibong para kay Pagulayan sa Lunes (kahapon sana).

Sinabi ng acting PNP chief na bubuo siya ng grupo ng mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na nakabase sa Camp Crame upang i-entrap si Pagulayan at kanyang mga tauhan.

For my part, I would produce a boodle to the CIDG para taktakan nila ito ng invisible powder; ang powder ay kakalat sa kamay ng subject kapag natanggap niya ang pera.

Ang boodle ay kumpol-kumpol na salapi na mga fake na ginagamit ng “Isumbong mo kay Tulfo” sa mga entrapment.

Biyernes yun.

Noong Sabado, malungkot na ibinalita sa akin ni Bel na pumunta sa Station 6 ang ama ni Nikko at siya’y pinagalitan dahil di pa nakalalabas ang kanyang anak.

Dahil sa pagtatalo nila, nagkaroon ng isip ang mga pulis na puwede naman palang bumigay ang mga magulang ni Nikko .

Habang sila’y nagtatalo, narinig nila si Nikko na umuungol sa kabilang kuwarto dahil ito’y sinasaktan.

Biglang nagbigay ng pera ang tatay ni Nikko upang huwag na siyang saktan.

Tinakot sila na huwag ibunyag ang nangyaring pangongotong dahil alam nila ang address ni Bel.

Si Nikko ay nakatira kay Bel.

Natatakot si Bel na baka may masamang mangyari sa kanila kapag ibinunyag nila ang kalokohan ng mga pulis sa Station 6.

Ito ang text message ko kay Bel kahapon: “I’m sorry, Bel. I will have to write about your experience with the Batasan precint cops. Ibubulgar ko si Pagulayan. Kung hindi ko gagawin yan, baka marami pa silang bibiktimahin na mga sibilyan.”

Read more...