Angelica nakakaawa, laging nilalayasan ng dyowa dahil sa pagiging palengkera

john lloyd cruz

Nakakaawa naman si Angelica Panganiban. Palagi na lang ikinakabit sa kanyang pagkatao ang sinasabing pagiging palengkera niya.

Komento pa ng iba, kahit daw ang kanyang ex na si Derek Ramsay na sosyal na sosyal na nga ang dating ay walang kapinuhang naituro sa kanya, kaya ang isa pa kayang katulad ni John Lloyd Cruz ang may magagawa sa pagbabago ng kanyang ugali?

Diretso kasi ang dila ng aktres, hindi uso sa kanya ang pagpapaliguy-ligoy, itim kung itim at puti kung puti lang ang alam niya na madalas mapagkamalang pagiging bastos at palengkera.

Isang source ang nagkuwento sa amin, “Para maintindihan mo ang ugali ng isang tao, e, kailangang malaman mo ang background niya. Alam naman natin na ampon si Angelica, hindi niya alam nu’n kung saan siya nanggaling, kaya may mga angst siya sa buhay.

“Ang nakakaintindi lang talaga sa kanya, e, ang mga taong may malalim na alam tungkol sa personal life niya. Hindi siya masasakyan ng mga taong hindi nakakakilala sa kanya,” komento nito.

Isang dating karelasyon naman ng dalaga ang nagsabi na mabait si Angelica, pero totoong may mga sumpong, mahirap daw talagang intindihin ang kanyang ugali kapag umaariba ang kanyang mood swing.

Pero artista si Angelica Panganiban, public figure siya, kailangang makisabay siya sa agos ng trabahong pinasok niya. Walang karapatang magsuplada ang mga artista kapag nasa mga pampublikong lugar sila, kahit sumasakit na ang kanilang ngipin ay kailangang suklian pa rin nila ng ngiti ang mga bumabati sa kanila.

Du’n lang talo si Angelica Panganiban, sa public perception, kung ano ang nakikita sa kanya ay ‘yun na ang pinagbabasihang impresyon sa kanya ng ating mga kababayan.

Read more...