Vice umiyak sa GGV, nalampasan ang ‘SUMPA’ sa mga bakla sa TV

vic ganda

NAPAIYAK si Vice Ganda sa kanyang Sunday celebrity talk show sa ABS-CBN habang pinasasalamatan ang lahat ng sumusuporta at nagpupuyat para mapanood lang ang Gandang Gabi Vice.

Last Sunday night ang unang pasabog ng GGV para sa month-long anniversary celebration ng programa, four years na ang show ni Vice at hindi raw niya talaga inakala na aabot sa apat na taon ang kanilang show.

“Maraming maraming salamat po sa inyong lahat dahil sa loob ng apat na taon, nakitawa, nakisaya, nakiharot, nakiuso, nakipagkulitan, nakigulo kayong lahat dito sa Gandang Gabi Vice,” unang chika ng TV host-comedian.

Ilang sandali pa ay hindi na napigilan ni Vice ang maiyak habang pinasasalamatan ang lahat ng mga taong patuloy na sumusuporta sa GGV, pati na ang buong production staff na kasama niyang nagpapakahirap para makabuo ng isang masayang episode.

“Talaga namang lalong lumalim, lalong tumitibay at lalong gumaganda ang ating samahan. at dahil sa pagmamahal ninyo sa GGV, kaya masasabi nating may 4-ever! Forever ang happiness, forever ang good vibes, at forever ang pagmamahal ng GGV sa inyong lahat. At wala yang chever!” chika pa ni Vice.

“Gusto kong magpasalamat sa inyong lahat, dahil unang araw pa lang ipinaramdam n’yo ang suporta ninyo sa akin, hiyang-hiya ako, takot na takot ako nu’g araw na ‘yun dahil first time kong magkakaroon ng show na ako talaga ang bida,” ang lumuluhang sey ni Vice.

“Ang saya lang, natutuwa lang ako, masyado lang akong nagiging emosyonal dahil hindi po biro ang apat na taon.  “Kasi natatandaan ko, nu’ng nagsimulang umingay ang pangalan ko, bilang si Vice Ganda sa telebisyon, sinabihan ako na gawin na natin lahat, i-enjoy mo na, kasi ang komedyante, lalo na ang bakla, hanggang tatlong taon lang ang pwedeng ipamayagpag. Tinaningan ako diyan.

“Pero pang-apat na taon na natin ‘to. Ang bait-bait n’yo lang, dahil nilampasan n’yo ang taning sa akin, maraming-maraming salamat po talaga. Sabi kasi nila, mahaba na yung tatlong taon.

Pero four years na at nararamdaman kong hindi pa ito ang huling taon. Ang init n’yo pang lahat, ang init-init ko pa, kaya maraming salamat talaga!

“Kasi ito talaga yung ano…akin ito, e. Show ko to, e, show natin to. Ito yung pwede kong angkinin na, ang taray, nakaapat na taon ako, di ba?” sey pa ni Vice. Dito na biglang lumabas ang nanay ng TV host para i-congratulate siya.

“Ayan ang nanay ko, o! Taray! Nay, four years na to, four years na! Naisip mo ba, na yung anak mo makakaapat na taon. Kaya thank you talaga, naiiyak lang talaga ako. Nandiyan din po si Ogie Diaz.

Si Ogie po ang kumumbinse sa akin na gawin ko ito kahit takot na takot ako, salamat sa iyo,” ang emosyonal pang pahayag ni Vice Ganda.

Read more...