K-Pop na Bigbang dadaan sa MERS-CoV screening

HINDI nababahala ang Department of Health sa posibilidad na magkalat ng sakit na Middle East Respiratory Syndrome-Coronavirus (MERS-COV) ang Korean pop group na Bigbang.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Health Undersecretary Lyndon Lee Suy, kumpiyansa silang dadaan sa screening process ang grupo bago sila umalis ng South Korea para sa concert nila sa Pilipinas sa Hulyo 27.

Pagdating naman sa Pilipinas sinabi ni Lee Suy na dadaan din sa infection protocol ng ating bansa ang mga miymebro ng Bigbang.

Nilinaw ni Lee Suy na kung wala namang ipapakitang sintomas ang mga miyembro ng grupo, walang dahilan para irekomenda nila ang pagkansela ng concert.

Una nang sinabi ng Malakanyang na walang dahilan para kanselahin ang konsyerto ng K-Pop group sa kabila ng patuloy na pagdami ng kaso ng Mers-Cov sa South Korea.

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, may ipinatutupad naman na mahigpit na screening sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang Bureau of Quarantine para malaman kung ang pasaherong darating sa bansa ay may sintomas ng sakit.

Sa South Korea, ipinatupad na ng Pamahalaan doon ang pagbabawal sa mga concert at iba pang malaking pagtitipon-tipon ng mga tao para mapigilan na ang pagdami pa ng mga maaapektuhan ng Mers-Cov.

 

Read more...