Pagpanaw ni Ampatuan, Sr. itinanggi

andal-ampatuan-sr
ITINANGGI ng abogado ni dating Maguindanao governor Andal Ampatuan Sr. ang mga kumakalat na balita na patay na ang matandang Ampatuan.

Sinabi ng abogado ng mga Ampatuan na si Salvador Panelo na may stage 4 liver cancer ang 74-na-taong-gulang na si Ampatuan at kasalukuyang naka-confine sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City.

“He has been diagnosed to have cancer of the liver. He is confined at the National Kidney and Transplant Institute,” sabi ni Panelo.

Naghain si Panelo ng isang urgent motion sa Quezon City Regional Trial Court Branch 221 para payagan ang matandang Ampatuan na manatili sa NKTI.
Noong Mayo 25, sumailalim si Ampatuan sa ultrasound at CT scan sa Philippine General Hospital (PGH) matapos siyang ma-diagnose sa sakit na liver cirrhosis habang nakakulong sa Quezon City Jail Annex sa Taguig City.

Sinabi ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na dinala si Ampatuan sa NKTI noong Hunyo 5 matapos mahirapang makahinga.
Isa si Ampatuan Sr. sa mga pangunahing suspek sa Maguindanao massacre noong 2009 kung saan 58 katao ang pinatay kasama na ang 32 mga miyembro ng media. Inquirer.net

Read more...