Mariel naniniwalang di ipagpapalit ni Binoe sa ibang babae


mariel rodriguez

Wala palang kaalam-alam si Mariel Rodriguez na makakasama ni Robin Padilla ang Japanese porn star na si Maria Ozawa sa isang MMFF movie.

“Actually, hindi ko siya talaga alam. And then hindi ko rin talaga alam ‘yun. Nakita ko lang sa Facebook. Sa social media ko lang nalaman,” chika ni Mariel sa set ng Happy Wife Happy Life.

Ni hindi nga raw niya tinanong ang kanyang asawa about the film at hindi rin siya bothered kasi, “hindi naman siya gagawa ng porn.” Sa tagal na ng relasyon nila ni Robin ay hindi na pala nagseselos itong si Mariel kaya cool lang siya sa chikang magtatrabaho sina Robin at Maria, “Hindi naman siguro maganda na ganoon ka mag-isip, eh,” sabi niya.

Ni hindi na nga niya maalala kung kailan siya huling nagselos. Super happy si Mariel dahil napasama siya sa Happy Wife Happy Life, “Sabi ko nga, thankful ako dito sa show kasi dumating ito noong medyo down ako. So dahil ditto sa show na ito ay mabilis akong naka-recover so I owe the show a lot.

“That’s how I see it. Parang ito ang ibinigay sa akin ni God. Don’t worry, pa-busy-hin muna kita, next time na kita bigyan ng anak,” she said.

Priority ng magdyowa ang paghahanap sa roots ni Robin sa kanilang pagpunta sa Spain. Hindi nila iniisip na doon sila gagawa ng baby.

“Nandoon na kami sa kung ibibigay ay ibibigay, hindi ‘yung parang gagawin. Baka ma-stress ka lang lalo tapos masa-sad ka kapag hindi naganap.”

Read more...