BENJIE PARAS istrikto at ‘KURIPOT’ na tatay, luho ng mga anak ayaw ibigay

Isa si Benjie Paras sa mga dating basketball players na talagang sinwerte sa showbiz.

In fairness, hanggang ngayo ay very visible pa rin siya sa TV at pelikula.

Marami na rin siyang nakatrabahong malalaking artista at isa na nga siya sa most in demand comedian sa showbiz.

Nakausap namin si Benjie sa thanksgiving presscon ng primetime series na One True Love ng GMA 7 kung saan gumaganap nga siyang tatay-tatayan ng Kapuso leading man na si Alden Richards.

Kuwento nga niya, talagang enjoy na enjoy pa rin siya sa pag-aartista.

Tinanong namin siya kung hindi ba siya nagsasawa sa ginagawa niya, “Hindi naman, enjoy dito kaya hindi ka magsasawa. Enjoy ka na kumikita ka pa, di ba?”

Hindi ba siya nagde-demand sa GMA na bigyan naman siya ng bonggang project na siya mismo ang bida? “Hindi. Nakakahiya naman, hindi naman din ako pang-leading man na.

Okay na sa akin ang mga character roles, basta kasama ko naman ‘yung mga bida, hindi ‘yung nasa background lang, yung tipong dadaan ka lang, huwag naman ganu’n. H indi ka na mapapansin nu’n,” natatawang sagot ni Benjie.

“At least dito sa One True Love, lagi kong kasama sina Alden, si tita Caridad (Sanchez), okay na ko du’n, tsaka ‘yung lagi ko lang nire-request sa management, sana kasama ako mula sa simula hanggang sa ending kung maaari, para tuluy-tuloy ‘yung trabaho.

Sana hindi naman ‘yung bigla ka na lang papatayin, pupunta sa ibang bansa, o maglalahong parang bula. ‘Yung mga simpleng request na ganu’n lang.

“Like sa Alice Bungisngis, lagi kong kasama naman doon si Jean Garcia, medyo kontrabida naman kami du’n, so okay naman yung mga ibinibigay ng GMA sa akin, kahit wala akong kontrata sa kanila,” chika pa ng komedyante.

Bukod sa pag-aartista, isa rin pala si Benjie sa mga coach ng San Beda team, “Naisali ako doon kaya masaya, dahil kahit paano hindi pa rin ako nawawala sa basketball, pati mga anak ko, involved din sila doon, kapag may game sila, napapanood ko, minsan nakakalaban nila kami.”

May interes din ba ang mga anak niya sa showbiz, “Meron din.

Pero sabi ko nga, mag-concentrate mula sila sa basketball.

Hindi ko naman sila pinagbabawalan na mag-showbiz, pero hindi pa kaya ng schedule nila.

May mga nag-o-offer naman, lalo na sa mga commercial, ang sabi ko, kapag libre sila, okay, pero kapag may practice sila sa liga, mukhang Malabo.

“Actually, mahilig talaga sila, yung isa kong magka-college na next year, gusto niyang kumuha ng film, or kahit na anong related sa showbiz.

Sabi ko, sige, kasi whether you like it or not, nandiyan ang pera, e.

Tsaka sayang ang mga itsura n’yo. Ako ngang walang itsura nandito ako, e, kayo pa!”

“Susuportahan ko naman sila kung gusto nila talaga sa showbiz, pero as of now, nasa basketball sila, scholar sila sa school dahil sa sports, priority n’yo dapat ‘yan, dapat pangatawanan n’yo yan.

Hindi pwedeng pagsabayin.

Kung may time, madaling isingit ang mga raket sa showbiz.

Fixed kasi ang schedule nila sa school kaya mahirap pa,” kuwento pa ni Benjie.

Hindi rin daw niya binibigyan ng pera ang mga anak niya para sa mga luho, “Kapag meron silang gustong bilhin, sige, may gustong i-VTR kayo para sa commercial, try n’yo, galingan n’yo para makuha kayo.

So, ‘yung talent fee nila du’n yun ang ipambibili nila sa gusto nila.

Kaya meron na silang iPhone, iPad, may rubber shoes sila.

Oo, may allowance sila sa akin, pero yung mga luho nila, kanila na ‘yun.”

Anyway, napapanood pa rin ang One True Love nina Alden Richards at Louise delos Reyes sa GMA TeleBabad pagkatapos ng Makapiling Kang Muli.

Kasama rin dito ang mga trending queens sa mga social networking sites na sina Agot Isidro, Jean Garcia, Raymond Bagatsing, Winwyn Marquez, Bembol Rocco at marami pang iba.

Ito’y sa direksiyon ni Andoy Ranay.

Read more...