Sulat mula kay Karen ng Purok 4, Norte,
Don Carlos, Bukidnon
Problema:
1. Kasalukuyan akong nag-aaral ng Accountancy kaya lang mukhang mahihinto na ako pagkatapos ng sem na ito, kasi bukod sa humina ang kita ng tatay ko sa kanyang pinagta-trabahuhan, nagkasakit pa ang nanay ko at kailangan ang anim na buwang gamutan. Sabi ng tatay ko pag gumaling na lang daw ang nanay ko saka ako uli ako mag-aral. Pero pinilit pong mangutang ng nanay ko at nakautang naman siya kaya nakapag-enrol ako nitong pasukan.
2. Pero hindi ko nga malaman kung makakatapos pa rin ako kasi nga po marami pa rin ang gastos sa araw-araw kong pag-aaral. Balak kong huminto muna at mamasukan bilang katulong o kaya’y tindera at huwag na lang akong magtuloy sa pag-aaral, kaya lang nakapag-enrol na nga po ako? Ano po ba ang maganda kong gawin, ituloy ko na lang ang pag-aaral o huminto na ako habang hindi pa gaanong regular ang klase? November 26, 1998 ang birthday ko.
Umaasa,
Karen ng Bukidnon
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) ang nagsasabing basta’t pinagsikapan mong makatapos ng pag-aaral, hindi para sa kasalukuyan kundi para sa “future” tiyak ang magaganap, makakatapos ka at magiging isang ganap na Certified Public Accountant pagdating ng araw. Kapag nangyari na iyon, lalaki ang iyong kinikita at maiaahon mo na sa kahirapan ang inyong pamilya.
Numerology:
Ang birth date mong 26 ay nagsasabing sa taon ding ito ng 2015 hanggang sa makatapos ka ng pag-aaral, maraming tulong o ayuda na darating sa iyo sa ibat-ibang sektor ng lipunan. Dahil dito, kusa kang makakatapos ng pag-aaral, ng hindi na gaanong umaasa sa iyong pamilya.
Graphology:
Ang pag-aanalisa na magiging maganda ang iyong career at buhay basta’t wag ka lang hihinto ng pag-aaral ay madali namang kinumpirma ng ng iyong lagda na malaki ang pagkakasulat, tuloy-tuloy at natapos sa isang mala-stright line na guhit. Ito ay malinaw na tanda ng magtatagumpay ka sa iyong propesyon, uunlad, magiging maligaya at sa bandang huli ay kikita ka ng malaking halaga.
Huling payo at paalala:
Karen ayon sa iyong kapalaran basta’t mag-aral ka lang ng tuloy-tuloy kahit pa mabaon kayo sa mga pagkakautang, sapagkat nakahanda na ang magaganap, sa taong 2023 sa edad mong 25 pataas, kusa ka ng makakatapos ng kursong Accountancy at sa nasabi ding panahon, magiging ganap na CPA ka, at kapag naging Certified Public Accountant ka na, yon na rin ang magiging simula upang tuloy-tuloy na umunlad ang iyong career, hanggang sa makapag-abroad ka, umasenso at yumaman, at sa sandaling asensado at mayaman ka na, tulad ng naipaliwanag na, ikaw din ang kaisa-isang anak na nakatakdang mag-ahon sa kahirapan sa inyong pamilya.