Poe-Chiz di pa sure sa NPC

Grace-Chiz

Grace-Chiz


Kung hindi pa nagdedesisyon ang mga napipisil na kandidato sa 2016 presidential elections, wala pa rin umanong napag-uusapan na gagawing kandidato ang Nationalist People’s Coalition.
Ayon kay House deputy speaker Giorgidi Aggabao, stalwart ng NPC, wala pang napagdedesisyunan ang kanilang partido kung sina Sen. Grace Poe at Sen. Francis Escudero ang kanilang susuportahan.
“Wala pang decision ang NPC para sa Poe-Chiz,” ani Aggabao. “Hindi pa namin pinag-uusapan sa partido ang presidential race kaya premature pa ang lahat ng balita.”
Sinabi ni Aggabao na dating miyembro ng NPC si Escudero kaya umano lumalabas ang balita na ito ang kanilang susuportahan.
Si Escudero ay nagbitiw bilang miyembro ng NPC noong 2009 kung saan idineklara niya na hindi siya tatakbo sa pagkapangulo sa 2010 presidential elections.
Sinuportahan ni Escudero noon sina Pangulong Aquino at Vice President Jejomar Binay. Nanatili namang independent ang senador.
Ang NPC ay may 48 miyembro na nakaupo sa Kamara de Representantes.

Read more...