Aiza handang sumailalim sa ’OPERASYON’ para tuluyan nang maging lalaki

aiza seguerra
GUSTUNG-GUSTONG sumailalim sa hormone therapy ni Aiza Seguerra para magmukha na talaga siyang lalaking-lalaki. Pero tulad ng kanyang asawang si Liza Diño, natatakot din siya sa magiging side effect nito sa kanya.

Ayon kay Aiza pagkatapos nilang maikasal ni Liza at magsama sa isang bubong bilang mag-asawa, naisip niya na subukan ang hormone therapy para tuluyan na siyang maging lalaki sa pisikal na anyo.

“Honestly, yes, I want to try it. There are times that I would talk to Liza about it. Siya ‘yung medyo kinakabahan. Not because of anything ha? Kasi I have friends who are transgender.

Tinanong namin. Kasi ang pinaka-concern namin is the voice,” chika ni Aiza sa interview ng Headstart sa ANC. “Liza is very supportive naman sa lahat ng mga gusto kong gawin, pero yun nga, doon lang siya medyo kinakabahan.

Ako rin naman, sa totoo lang. Siguro kung wala yung voice problem, I would have done it,” dugtong pa niya. Inilahad pa ng singer-actor ang mga hirap na dinanas niya bilang isang transgender man at kung paano niya naintindihan ang kanyang sekswalidad.

“I identify now as a transgender man. Kasi ‘di ba sa Pilipinas, dalawa lang yan, bakla or tomboy. Akala ko noon, ang English ng tomboy, lesbian. Nagkamali lang ako ng pagkakaintindi.

Hindi ko alam na may LGBT, with T as transgender,” ayon pa kay Aiza. Esplika ng asawa ni Liza, ang isang transgender man ay “a state of mind on how you identify yourself and what gender you identify with.”

“When you’re a transman, you identify yourself as a male. That’s opposite of my assigned sex. That’s it. When you’re a lesbian, ‘yung sexual preference mo ang nag-iiba.

Babae ka pero ang sexual preference mo, babae din. Kasi kapag lesbian ka, you embrace your femininity,” paliwanag pa ni Aiza.

 

Read more...