KATRINA ayaw sumuko, ididiin si HAYDEN sa SUPREME COURT

Totoo nga bang ayaw siyang tulungan ng NBI?

HINDI pa rin susuko si Katrina Halili! Itutuloy pa rin daw niya ang paghahanap ng hustisya, hindi raw siya titigil hangga’t hindi napaparusahan ng batas si Hayden Kho.

Ito’y matapos ngang ibasura ng Court of Appeals ang kasong Republic Act No. 9262 (Anti-Violence Against Women and Children Act) na isinampa ni Katrina laban sa dating doktor.

Ayon sa korte, hindi raw sapat ang mga ebidensiyang isinumite ng kampo ni Katrina para madiin sa nasabing kaso si Hayden.

Naniniwala ang korte na alam ng sexy actress ang ginawang pagbi-video sa kanya ni Hayden kaya hindi maaaring idiin ang dating doktor.

Pero ayon sa abogado ni Katrina na si Atty. Raymund Palad, hindi pa raw tapos ang laban, desidido raw ang kanyang kliyente na ituloy ang kaso at hindi raw ito susuko hangga’t may nakikita silang paraan para makausad ang kanilang ipinaglalaban.Sabi pa ng abogado ng aktres, kung natalo man sila sa Court of Appeals, meron pa naman daw Supreme Court at dito na sila aapela sakaling hindi muli paboran ng Court of Appeals ang ihahain nilang motion for reconsideration, “Definitely, magpa-file ng motion for reconsideration sa Court of Appeals, then sa Supreme Court.

Tapos, at the same time, nagpadala na kami ng letter sa NBI para sa re-investigation ng kaso ng uploading ng video.

Nakasaad din sa letter ang mga pangalan ng mga taong posible o puwede nilang imbestigahan.”

Medyo naglabas naman ng hinaing ang kampo ni Katrina hinggil sa hinihingi nilang tulong sa NBI para sa reinvestigation ng kaso, “Taun-taon sumusulat kami para sa re-investigation, pero hanggang ngayon wala pa rin kaming natatanggap na sagot mula sa NBI.”

Ang hamon naman ng abogado ni Katrina kay Hayden, “Kung talagang sinasabi niya na biktima rin siya ng uploading, nasira ang buhay niya, bakit hindi siya makipagtulungan sa NBI tungkol sa uploading?

Paimbestigahan niya ang tao kung sino talaga ang nag-upload.”

Read more...