Kalat na: Gelli de Belen, Ariel Rivera naghiwalay na?

ariel rivera

NAPAKUNOT-NOO si Gelli de Belen nang tanungin namin sa isyung hiwalay na raw sila ng mister niyang si Ariel Rivera. Sa nakaraang TV5 trade launch namin nakatsika ang TV host-actress tungkol dito, aniya sa amin, “Ano ‘yun? Wala akong alam sa isyung yan.

Hindi totoo, heto nga kakadating lang namin galing Canada. Dumating kami last May 27, umalis kami first week of May. Saan galing ‘yan?” balik-tanong niya.

Tinanong namin kung may narinig na ba siya tungkol dito, “Wala naman. Aysus, hindi ‘yan totoo,” kaswal na sabi ni Gelli.
Oo nga, parang imposible o malayong mangyari na maghiwalay sina Boyong (tawag kay Ariel) at Gagay (palayaw ni Gelli) dahil sobra nilang mahal ang isa’t isa at higit sa lahat, malalim na ang pinagdaanan nila.

Sa ilang taon na nila bilang mag-asawa, wala pa kaming nabalitaan na nag-away o nagkaroon sila ng matinding alitan.
Bukod dito, pareho silang hands-on sa dalawa nilang anak na sina Julio (16) at Joaquin (14) at higit sa lahat, masaya sila sa kanilang respective careers.

Hindi rin naman babaero si Ariel at sa pagkakaalam namin ay wala rin siyang bisyo (maliban sa paglalaro ng golf) para maging dahilan ng kanilang paghihiwalay ni Gelli.

Ganu’n din naman si Gagay na mas gusto pang mag-stay sa bahay kaysa gumimik. Parehong homebody ang mag-asawa at higit sa lahat, pareho silang matipid. Kaya ano ang dahilan para maghiwalay sila?

Samantala, isa si Gelli sa magpapasaya sa Sunday variety show na Happy Truck Ng Bayan ng TV5 na magsisimula na bukas, Linggo, 11 a.m.. Bukod dito ay may upcoming show din si Gagay kasama si Derek Ramsay na ayon sa aktor ay isang serye.

Read more...